8 // Crazy Little Thing

216K 4.9K 1.6K
                                    

"If I had a flower for every time I thought of you...I could walk through my garden forever."
— Alfred Tennyson

~ ~ ~

Pagkalabas niya ng taxi, napatitig si Ces sa bar na binabaan niya. Nakakasilaw ang mga neon lights nito na nag-i-i-spell out ng “Keng’s Night Out”. Rinig na rinig sa kinatatayuan niya ang malakas na tugtog sa loob ng bar.

Ang haba rin ng pila ng mga teenagers na tsine-check ng bouncer kung nasa tamang edad na ba o nagkukunwari. Napatingin siya sa paligid. Madilim pero at the same, maliwanag dahil sa ilaw na binibigay ng neon lights ng mga bars na nakapalibot.

Pinipilit naman niyang ibaba nang kaunti ang mini dress niyang kulay itim dahil pakiramdam niya ay nahuhubaran siya sa mga titig ng mga lalaking nakapila at nakatambay sa labas ng mga bar.

“Hi, sexy.” Kumindat ang lalaking napadaan sa harap niya. Napansin ni Ces ang titig ng binata sa kanyang hinaharap. 

Napangiwi si Ces. Looking at her clothes, she mentally punched herself. Dapat pala ay nag-shirt at jeans na lang siya or something less revealing.

Ito kasi ang ibinigay ng katulong ni Lyle. Ito raw ang ipinabibigay ni Lyle para sa kanya at pinasabing sobrang sasaya si Lyle kung ito ang isusuot niya. Sinuot naman niya para mapasaya si Lyle pero. . . nakakailang.

Tumingin siya sa cellphone niya. Ang sabi sa oras doon, mag-aalas dose na raw pero hanggang ngayon, wala pa ring nagte-text sa kanya. Siguro kasi ang usapan ay alas dose at medyo napaaga siya?

Tumayo lang siya sa may gilid, malayo sa mga tao pero hindi naman sa madilim dahil natatakot din siya. Nagtse-check lang siya ng phone every now and then nang biglang may lumabas sa pintuan na babae. Inaalalayan naman siya ng isang lalaki. Walang sabi-sabi ay nagsuka ang nauna sa tabi ng bouncer.

“Hinay-hinay lang!” pasigaw na paalala ng lalaki. Napansin din ni Ces na may hawak na alak ang babae nang ilagok niya ang natitirang laman ng bote. “Uy, ano ba?”

“Ayoko na! Ang sakit, e!”

Pinagtitinginan ng mga nakapaligid ang dalawang 'yun na halos magsigawan. Nalaman din niyang brokenhearted ang babae at best friend nito ang lalaki. Niloko raw kasi ang babaeng ito, pinagpalit sa iba ng ex niya.

Hindi naman talaga niya dapat inaalaman ang buhay ng iba pero ano’ng magagawa niya kung sinisigaw ng babae na hinayupak at peste ang ex niya sabay sabing “Sana ikaw na lang ang binoyfriend ko!” at naghalikan ang mag-best friend. . . sa labas, sa gitna—habang nanonood ang karamihan.

Napahinga siya nang malalim at pinagtuunan ng pansin ang cellphone niya hanggang sa muntikan na niyang mabitawan ito sa naramdamang paghawak sa kanya at bumulong ng. . .

“Hold-up 'to.”

Nanigas ang buong katawan ni Ces. Hndi siya makagalaw at parang hindi yata niya kakayaning tumingin sa likod niya kung saan nakalapit sa kanya ang lalaking nangho-hold-up sa kanya. Napakariin ng pagkakahawak niya sa lanyang cellphone. 

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon