10 // High-Pressure Situation

209K 4.7K 1.6K
                                    

"Nobody dies a virgin... Life fucks us all."
— Kurt Cobain

~ ~ ~

Dalawang salita.

Dalawang salita sa text: no emoticons, no periods o kahit na anong jejemon design. Mukhang seryoso dahil walang ‘hahaha’, seryosong aura pero ang dalawang salitang 'yun ang nagpabilog sa mga mata ni Ces sa sobrang gulat—teka, gulat? Gulat ba ang tamang description para sa nararamdaman ni Ces?

Hindi ba ito dapat dismaya? O lungkot? Galit? Pero. . . nangingibabaw ang gulat.

Titig na titig siya sa screen ng cellphone niya, nakikipaglaban sa sarili kung magre-reply ba siya kay Lyle o hahayaan na lang o itanong kung ano ang tineks ng binata pero hindi niya magalaw ang kanyang mga daliri. Nakahawak lang siya sa cellphone niya, medyo nanginginig ang mga kamay at binasa ulit ang text message na galing kay Lyle.

Palamas naman

Ang lakas ng tibok ng puso niya habang paulit-ulit na binabasa ang dalawang salitang iyon. Totoo ba ito? Ito ang paulit-ulit na tanong ni Ces sa sarili hanggang sa muntikan na niyang mabitawan ang phone nang mag-vibrate ulit ito para sa panibagong message.

It was from Lyle. . . again, at ang sabi rito? 

Reply naman.

Reply naman? Hindi pa rin tumitigil ang karerang nagaganap sa puso niya. . . Reply? Ano’ng irereply niya sa text na 'yun? Bago pa siya makapagpindot ng kung ano man, nag-text ulit si Lyle.

Matagal na kitang gusto ikama, masarap ka ba   sd1_8 ,,ad.d1

Biglang nawala sa isip ni Ces ang mga dapat at kailangan gawin. Halos mawalan siya ng hininga sa lakas ng kabog ng dibdib. Napahawak siya sa kanyang bibig at huminga nang malalim. Trying to make her heartbeat a little bit normal.

Pero paano ba magiging normal ang sarili niya kung si Lyle Yuzon, the Lyle Yuzon, boyfriend niya—ay nag-text nang ganyan at bigla na lang nakita niya sa screen. . .

Lyle Ko Calling...

Napatitig ulit si Cess a screen ng kanyang cellphone. Sasagutin ko ba? Pakiramdam ni Ces, nagwawala na ang mga internal organs niya sa loob ng katawan niya pero ilang segundo lang ang nakaraan, nawala na 'yung call. Doon lang niya na-realize na nagpipil pala siya ng hininga

“Anong text 'yun. . . Lyle?” Baliw na nga siguro si Ces kung kakausapin niya ang kanyang cellphone na naka-open pa rin sa last message ni Lyle pero muntikan na naman niya ito mabato nang mag-ring ulit ito.

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon