3 // Cliché-st of Clichés

279K 5.7K 1.2K
                                    

"It is a cliche that most cliches are true, but then like most cliches, that cliche is untrue." 
— Stephen Fry

~ ~ ~

Ang cliché.

Ito ang naiisip ni Ces sa tuwing naaalala niyang nagkagusto siya kay Lyle niya. Ang cliché, masyadong gasgas—gamit na gamit na. Ang isang simpleng babae, magkakagusto sa isang lalaki na hindi mo masasabihan ng “simple” at masakit sa part ni Ces 'yun dahil “langit ka, lupa ako” ang peg ng kuwento niya.

For the nth time, bumuntong-hininga siya.

“Pang-fourty eight mo nang buntong-hininga 'yan,” nakangising sabi ni Marky kay Ces habang inaayos ang mga display nilang cake sa stand.

It's been four months since then. Matagal? Sobra.

Natapos na ang preliminary at midterm exams nila at nakuha na rin ni Ces ang result. Hindi na siya nagulat na siya lang ang nakakuha ng maganda at mataas na grade sa klase nila. Hindi naman kasi talaga nag-aaral ang mga kaklase niya.

Malapit na rin silang magbakasyon. Magpa-finals na next week pero hindi na ulit siya napansin ni Lyle. Kilala pa rin kaya siya nito? Alam pa rin ba ng binata ang existence ng isang Ces?

“Bakit ka ba nagbubuntong-hininga d'yan?” Tumigil sa pag-aayos si Marky at hinarap si Ces na nakatayo lang sa harap ng cash register.

Wala silang customers ngayon. Hindi sila masyadong dinadayo dahil wala namang special events na nangyayari. Ganito katumal ang cake shop. Kapag Valentines at Christmas lang madalas busy pero kung ordinary day, paisa-isa lang. Minsan nga, tumitingin lang 'yung mga tao, hindi naman bumibili.

“May bago na naman kasi ulit si Lyle ko. . .”

Natawa si Marky sa sinabi ni Ces. “So ano, inaangkin mo na si Lyle ngayon?”

Sumimangot si Ces na siyang nagpa-amuse rito kay Marky. Hindi naman kasi palasimangot itong si Ces. Kung hindi poker face ay faint smile lang ang makikita sa mukha ng dalaga at nakakatuwang malaman na napapasimangot si Ces dahil lang sa may bago na naman ang Lyle niya.

“Sabi ko naman kasi sa'yo, Casanova Prince 'yun, e,” pagpapaalala ni Marky kay Ces.

“Pero kasi, sa four months na nakaraan, apat na babae rin 'yung naging girlfriend niya.”

“One month rule. Akala ko ba, stalker ka ni Lyle mo?” tanong ni Marky na ine-emphasize pa ang word na “mo”. Nagtaka naman si Ces dito. “Naka-post ang one month rule niya sa ibang blogs na nagki-'critic' sa kanya. One girl, one month,” patuloy nito.

“One month, one girl?”

“Paulit-ulit lang? Motto 'yan ng The Lyle Yuzon mo, Ces,” pagpapaliwanag ni Marky. Magre-react pa sana ulit si Ces pero biglang dumating ang manager nila kaya naman napilitan silang magtrabaho sa cake shop.

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon