21 // Aftermath of Pain

188K 3.4K 1.2K
                                    

"That's the thing about pain. It demands to be felt."
— John Green

~ ~ ~

“Gusto mo bang mamatay?!”

Napatingin si Ces sa taas kung saan nakita niya ang kanyang kamay na hawak ng isa pang kamay—no, Ash couldn’t be that savior. Hndi siya puwedeng mahawakan ni Ash. She was almost there. . .malapit na, kaunting segundo na lang ay okay na ang lahat pero natigil ito.

Someone saved her.

Her body was hanging in the air. Tanging ang hawak na lang ng taong iyon ang dahilan upang hindi siya kuhanin ng kailaliman. With tears in her eyes, tinignan niya ang taong hawak-kamay niya sa bingit ng katapusan. Kitang-kita sa mukha ng tumulong sa kanya ang hirap sa paghawak sa kanya.

“Bitawan mo na ako,” mahina niyang pakiusap.

“Hindi kita bibitawan!”

Napapikit na lamang si Ces dahil sigurado siyang bibitaw rin ang lalaking iyon. No one cared—bakit kailangan makialam ng binata? Ngunit ilang sandali lang, imbis na mahulog ay naramdaman niyang umaangat ang kanyang katawan. . . at nakatapak na siya sa sahig.

“Ano bang naisip mo at nagpahulog ka d'yan?!” Napaupo ang dalaga sa inapakan niya at napasandal sa railing. Una niyang tiningnan nang mabuti ay si Ash na nakalutang sa likuran ng binatang nagligtas sa kanya.

Mula sa mga pulang mata kanina ng kamatayan ay bumalik ito sa itim. Nawala ang nakakatakot na aura nito. Nawala ang galit sa mga mata at tila ba nagbalik sa dating Ash ngunit seryoso ang mukha. Isang ekspresyon na kahit ano pa’ng gawin ni Ces ay hindi niya maintindihan.

“Sorry. . . “ ang nasambit ng dalaga at tuluyan nang naiyak habang nakatingin kay Ash.

Hindi niya alam kung bakit siya nagso-sorry. Basta ‘yun lamang ang tanging salita na sa tingin niya ay dapat niyang sabihin. Kanino? Kay Ash? Sa lalaking nagligtas sa kanya? O sa sarili niya?

“Sorry. . . sorry. . .” paulit ulit niyang pagbanggit. Nakatingin lang sa kanya ang binatang nagligtas sa kanya na para bang nagulat sa biglang pag-iyak ng dalaga. Napalunok ang binata dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. He’s not good with girls. . . lalo na kapag umiiyak sa harap niya.

But what he didn't know ay magkatitigan lamang sina Ash at Ces. . . Ces saying sorry habang tahimik lang ang kamatayang papalapit sa dalaga.

“Alam kong masakit.” Pilit pinipigilan ni Ces ang pag-iyak ngunit hindi pa rin nagpapaawat ang mga luha niya. Nagkatinginan sila ni Ash, mata sa mata, at para bang may pinapahiwatig ang kamatayan na hindi niya maintindihan.

Hinawakan siya ni Ash. Akala niya ay tatagos ito ngunit nagulat siya nang maramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang pisngi. Sobrang lamig. Sa pagtitig niya sa mga mata ng kamatayan, nanlabo ang kanyang mga mata at ilang sandali lang, “Pero gusto kong sumaya ka.”

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon