43. step to happiness

5.1K 140 5
                                    

Minzy's POV

Unti-unting bumukas ang aking mga mata. Kulay puti ang agad na bumungad sa aking paningin. Ayoko sanang gumising dahil napakaganda ng panaginip ko. Panaginip kung saan walang problema, kung saan lahat maayos at kung saan lahat ay masaya.

Pumikit-pikit ako dahil nasilaw ako pero ilang segundo pa ay umayos na ang aking paningin.

Agad na bumungad sa akin si B.i na nakangiting pinagmamasdan ako.

Alam kong disappointed ka dahil hindi siya ang una mong nakita.

Sabi niya na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi pero agad din siyang ngumiti ulit at kinuha ang kamay ko para hawakan.

Ayos ka na ba? Gusto mo bang kumain?

Sabi niya pero umiling ako. Hindi ako nagugutom. Parang ang bigat ng katawan ko para kumilos. Nanatili akong nakahiga at nakatingin sa kisame nang magsalita ulit siya.

Aalis na ako.

Awtomatikong napalingon ako sa kanya. Ganun parin nakangiti parin siya pero halatang malungkot.

S...saan ka pupunta? I...iiwan mo ako?

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan ko siya kailangan? Kung kailan nahuhulog na ako sa kanya.

Hindi naman kita iiwan eh I just need some time to fix myself. Huwag kang mag-alala babalik ako.

Sabi niya habang hawak niya ang kamay ko.

Bakit? Bakit ngayon pa kung kailan kita kailangan?

Naluluha ko sabi sa kanya. Agad niyang pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang mga daliri.

Alam naman natin na hindi ako ang kailangan mo. Hindi ako ang magpapasaya sayo. Tanggap ko naman miski nung una pa lang. Sumubok akong mag baka sakali, baka sakaling mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal mo kay Dy pero wala eh ganun niya sinakop ang puso mo na pati ako ay hindi na makakapasok kahit anong pagpupumilit ko. Salamat kasi kahit sa loob ng maikling panahon naging masaya ako kasama ka, kaya ngayon ako na ang magbibigay daan para tuluyan ka ng sumaya. Alam kong mahal mo pa rin siya. Pareho lang kayong nagkakasakitan. Sana ayusin niyo na ang problema niyo. Panahon na sigurong sumaya ka.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now