37. it begins ...

4.6K 127 4
                                    

Dara's POV

Siniguro kong muna ang seguridad dito sa headquarters bago ako maghanda. I trust Jessica na hindi niya pababayaan ang security dito kahit nasa isang kwarto lang siya nakalagi. I know na din na gumawa na siya sariling plano. Binuksan ko lang ang gps ko para malaman nila kung nasaan ako.

Kinuha ko muna ang mga gagamitin ko bago ako umalis. Kinuha ko rin ang Golden Chain ko. Matagal ko ng hindi nagagamit ito. Napangisi ako ng makaramdam ako ng excitement.

Nagshower muna ako saglit kasi ang init na naman ng pakiramdam ko lalo na yung likod ko. I dont know kung bakit pero nang makita ko sa salamin ay pumula na naman ang tattoo ko sa likod. Nang matapos ako ay nagsuot lamang ako ng vneck na black shirt at shorts then rubber shoes. Wala akong heels dito dahil tinapon lahat ni Gd. Bawal daw akong magsuot ng mataas dahil daw preggy ako. Malaya kong nilugay ang buhok ko. Siniguro kong komportable ako sa suot ko para makakilos ako ng mabilis. Tsaka ayoko magpants baka kasi maipit si baby sa tummy.

Nilagay ko na sa sasakyan ang mga gagamitin ko. Ginamit ko muna ang kotse ni Gd. Kulay itim ito at bulletproof. Gusto ko lang gamitin ito kasi naaamoy ko sa loob ang pabango niya. Namiss ko siya bigla. Habang papunta ako sa lugar kung nasaan ang nagpadala ng papel ay nakaramdam ako ng hilo. Ganito ako simula ng magbuntis ako. Biglaan akong mahihilo pero agad ding nawawala. Minsan nakita ni Gd na nagkulay pula ang mga mata ko pero agad din daw nawala.

Isang oras bago ang napagusapan ay nakarating na ako sa lokasyon. Isang amusement park habang may mga puno ang nakapaligid dito. Pumarada ako sa mapunong lugar kung saan ay hindi siguradong makikita ang kotse.Tamang-tama at kulay itim pa ito hindi mo talaga makikita sa dilim.

Walang katao-tao sa lugar. Ilang poste lamang ang may ilaw halatang inabandona na ito siguro ay nalugi dahil malayo ito sa syudad. Habang naghihintay ay kumain muna ako. Buti na lang at may dala akong pagkain. Ilang sandali pa ay may naaaninag na akong sasakyan at huminto sa gate ng amusement park. Isang pigura ng babae ang bumaba mula rito. Mahaba ang buhok nito. May kausap ito sa cellphone at luminga-linga sa paligid. Tila may hinahanap.

Magpapahuli muna ako ng ilang minuto. Ganun talaga kapag maganda paimportante, ang mga nagmamaganda naman ang naghihintay.

Ilang minuto pa ay may dumating ulit na isang pulang kotse. Lumapit yung babae kanina dito at dumungaw sa bintana. Ilang segundo pa ay pareho na silang nasa labas habang nagsisigarilyo.

Inayos ko muna ang sarili ko at tumingin sa salamin. Suot ko ang kwintas namin ni Gd. Itinali ko sa aking bewang ang gintong kadena ko at inilagay naman sa aking likuran ang isang kunai. Naglagay din ako sa mga bulsa ng mga punyal nang biglang humapdi na naman ang aking likuran. Nakita kong nagkulay pula na naman ang aking mata sa repkeksyon ko sa salamin. Kung dati ay nagiging pula lamang ito kapag nakakakita ako ng dugo ngayon ay iba na.

Nang magbuntis ako sa triplets ay may iba akong nararamdaman sa aking katawan. Kapag may mangyayaring hindi maganda ay humahapdi ang aking likod at nagiging pula ang aking mga mata.

Magiging madugo ang gabing ito alam ko. Hinimas ko ang aking tiyan. May maliit na umbok na ang andoon.

Bare with me baby, guide mommy and daddy in this war. We love you little angel ..

••••••

Gd's POV

Andito ang Bigbang sa hospital kung nasaan si Virgo. Kumpleto kaming lima habang nakaupo dito sa couch. Si Rhie naman ay nasa tabi lang ni Virgo na wala paring malay hanggang ngayon. Si Dy ay may ginagawa sa kanyang laptop, habang si Sol at Top naman ay nagbabaraha.

CMG 2: Demon UnleashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon