20. Scritti and Thunder

6.1K 179 7
                                    

Scritti's POV

I'ts been weeks since that tragic day happened and I guess I can finally say that I'm not that emotionally hurt anymore. Magaling na rin ang mga sugat at pasa ko na natamo. Magaling kasi ang naging doktor ko sa loob ng mahigit tatlong linggong nagpapagaling ako.

Habang sinusuklay ko ang itim kong buhok ay pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Flashback ..

We've been friends since kinder. Siya na ang naging boy bestfriend ko, siya rin ang nagtatanggol sa akin kapag may nangbu-bully sa akin. He's been there always when I'm hurt physically and emotionally. When my parents died, siya lang at ang kanyang kakambal ang laging nasa tabi ko. I was so helpless that moment na para bang gusto ko narin mawala sa mundo.

But then he encourage me to live. He brought back the happiness in my life. Tinanggap ko narin ang alok sa akin ng kanyang pamilya na ipasok ako sa mafia. Inspired ako sa training kasi siya mismo ang nagtuturo sa akin. Pareho din kami ng school na pinapasukan.

Masaya na sana ang lahat pero natatakot ako na aminin sa kanya na mahal ko siya. Ayokong magbago ang pakikitungo niya sa akin kapag inamin ko ang totoo kong nararamdaman sa kanya.

One day Dara approach and talked to me. Ako lang kasi ang nilalapitan niyan except sa Blackjacks. Everybody says that she is a demon dressing like a queen because of her effortless beauty but very cold personality, siya yung tipong ayaw mong makikitang nagagalit kasi para itong demonyong walang sinasanto. I envy her a lot. Bata palang siya ay sinanay na siya maging malakas. Cold siya sa ibang tao pero kapag mahal niya sa buhay ang kaharap niya ay napakamasayhing babae niya.

She gave me the courage para sabihin ko sa kambal niya ang nararamdaman ko bago pa daw ako maunahan ng iba. She told me also na masaya siya na ako ang magiging sister-in-law niya.

Inenjoy ko ang mga araw na magkasama kami ni Thunder at sa bawat araw na iyon ay lalo akong nahulog sa kanya at lalo ko din naisip na malayo ang agwat naming dalawa. Sa lahat ng babaeng nahuhumaling sa kanya lalo akong nawawalan ng lakas ng loob na umamin sa kanya. They are perfectly fit for him not like me. They are princesses in their family while Im just the damsel in distress. In short, langit siya maganda lang ako. Yun lang yun period.

Nasaksihan ko rin ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya pero heto parin siya lapit ng lapit sa akin na para bang wala siyang ibang nakikita kundi ako lamang. Gusto ko sanang linawin kung ano talaga ang tingin niya sa akin pero ayokong mag-assume na may gusto rin siya sa akin baka masaktan lang ako sa sasabihin niya. Doon pumasok sa eksena ang walang hiyang si Baek at Chanyeol.

Pinakilala siya na bagong kasapi ng mafia. Naging malapit din agad ang loob ko sa kanya kasi kami madalas ang magkasama tuwing nagsasanay kami. Naramdaman ko ang pag-iwas sa akin ni Thunder kaya minabuti kong kausapin siya kasi hindi ko na matiis na hindi niya ako pinapansin.

Maaga pa lang ay hinanap ko na si Thunder kay Dara ang sabi lang niya ay hindi ito umuwi kagabi baka nasa condo lang daw ito. Nagpasalamat ako sa kanya tutal may spare key naman ako ng condo niya na siya mismo ang nagbigay sa akin kasi minsan dito kami tumatambay. Sumama sa akin si Dara kasi may kailangan siyang kunin sa kanyang kapatid kaya sumabay na ako sa kanya.

Habang nasa biyahe kami ay naikwento ko sa kanya na aamin na ako sa nararamdaman ko para sa kakambal niya. Tuwang-tuwa naman siya kaya bumili muna siya ng cake at wine para daw sa early celebration. Natuwa naman ako kasi pinaparamdam niya na gusto niya ako para sa kapatid niya. Masaya kaming nagke-kwentuhan hanggang makarating kami sa pinto ng condo ni Thunder. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang box ng cake habang hawak naman ni Dara ang bote ng wine. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil at pinindot na niya ang doorbell.

CMG 2: Demon UnleashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon