33. Oh no!

4.2K 136 1
                                    

Dara's POV

Agad kaming umalis nang malaman namin ang nagyari kay Scritti. Yun ang unang beses na narinig kong umiiyak ang kapatid ko. Tumalon daw ito mula sa sasakyan at humampas sa puno. Ulo ang tumama kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito nagigising.

Sila Bom at Cl muna ang bahala habang wala ako. Hindi naman ako magtatagal gusto ko lang malaman kung ano na ang lagay ni Scritti.

You must sleep babygirl, matagal pa ang byahe natin. Come here I will make you sleep.

Sabi ni Gd. Inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya habang nakaakbay siya sa akin. Ang isang kamay ay nakayakap sa tiyan ko. Nagsimula na siyang kumanta ng mahina habang pinaglalaruan ang buhok ko.

Kailangan kong magpahinga habang may libreng oras. Ayokong pabayaan ang sarili ko lalo na't may buhay ang nakasalalay sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Gd sa aking tiyan.
Naramdaman ko na hinalikan niya ang noo ko hanggang sa nakatulog na ako.

Nagising na lamang ako nang sinabing andito na kami sa destinasyon namin. Magkahawak kamay kami ni Gd papasok sa headquarters kung saan hinihintay naming magising si Scritti. Dito siya dinala ni Thunder dahil ayaw na nito pumunta sa hospital. Pinatawag na lamang niya ang doctor.

How is she?

Tanong ko kay Thuder. Nag-angat ito ng tingin at ngumiti ng malungkot.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Para siyang bata na inagawan ng laruan. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.

Nakatingin ako kay Scritti na natutulog habang may benda sa kanyang ulo.

Anong nangyari at umabot ng ganito?

Tanong ko sa kapatid ko. Kumalas siya ng yakap sa akin at pinunasan ang luha niya. Kinuha niya ang kamay ni Scritti at hinawakan ito. Nagsimula na siyang magkwento.

Nang matapos siya magkwento ay gusto ko silang pagbuhulin ni Scritti. Pero tsaka na kapag nagising na ito.

Mababaw. Ang babaw ng dahilan para umabot sa ganito.

Nagpaalam muna ako sa kapatid ko. Pupuntahan ko muna ang mga bata pati narin sila abuelo.

Nakakaloka ...

•••••••

Virgo's POV

Sinulyapan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto.

Sinalubong ako ni Rhie na may mga pilyong ngiti sa labi habang malagkit na nakatingin sa akin.

Manyak.

Pulang bestida na hapit sa katawan ang suot ko medyo kinulang ito sa haba. Bukas din ito hanggang sa gitna ng dibdib ko kaya makikita ang clevage ko. Itinali ko ang buhok ko into a messy bun at naglagay ng pulang lipstick. Bukas ito sa likod kaya lalong nakita ang sexy kong katawan.

Hinapit niya ako sa bewang at inamoy amoy ang leeg ko.

Pwede naman tayo siguro mahuli kahit ilang minuto lang diba?

CMG 2: Demon UnleashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon