9. kidnapped part 1

7.4K 223 21
                                    

Dara's POV

Kanina pa namin hinahanap si Minzy dahil bigla na lang itong tumakbo. Magkahawak kami ng kamay ni Gd hanggang makapasok kami sa mini forest ng resort. Malayo pa lang ay natanaw na namin na buhat ni Rhie si Minzy habang nakasalampak si Dy sa lupa hawak nito ang panga nito at dumugo pa ang ilong.

What happened ? Agad na tanong ni Gd nang makalapit kami.

Napatingin ako sa dalawang tao sa hindi kalayuan. Nang makita nila ako ay lumakad sila palapit habang magkahawak ang kanilang kamay.

Goodevening QL sabay nilang bati at yumuko pa ang mga ito tanda ng respeto.

Bakit kayo andito? Tanong ko sa kanila pero nagkatinginan lang sila at napatingin kay Gd na hapit ako sa bewang.

EHEM! Lalo akong kinulong ni Gd sa kanyang mga bisig.

Baekhyun and Scritti my reapers and this is Gd the father of the triplets pakilala ko pero sinamaan lang ako ng tingin ng katabi ko. Napa what na lang ako sa kanya. Pero ganun parin ang tingin niya sa akin.

And my fiance happy? Biglang ngumiti si Gd na abot hanggang tenga.

Kaya pala maganda ang lahi ng tatlo kasi may pinagmanahan sabi ni Baekhyun. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Pinapalabas mo ba na maganda ang lahi ng tatlo dahil nagmana sila ng tatay nila at hindi sa akin? Gusto mo bang maagang mabyuda si Scritti kapag nagkataon? Sabi ko sa kanya. Nakita kong napalunok siya at nagkamot ng ulo. Hanggang makarinig kaming putok ng mga baril.

Shit! Ang mga bata!

Agad kaming tumakbo habang nakasunod sila Scritti at Baekhyun sa amin ni Gd. Hindi ko na nakitang sumunod si Dy. Mas binilisan ko pa ang takbo hanggang nakita namin ang mga tao sa hotel na nagsisilabasan. Nakita narin namin sila Bom na kakarating lang din. Agad kaming umakyat kung nasaan ang mga bata pero pagdating namin sa kanilang mga kwarto at nakitang magulo at madaming nabasag.

ICE! FROST! SNOW! Sigaw ko pero miski anino nila ay hindi ko nakita.

FUCK! FUCK! FUCK! Napalingon ako kay Gd. May hawak itong papel kaya nilapitan ko ito at kinuha ang papel sa kamay niya.

I've got your precious little angels Queen Lord and other little angels too. See you when I see you.
-K

Nilukot ko ang papel sa sobrang galit ko. Walang hiya sila pati mga bata dinadamay nila.

Hinila ako ni Gd sa kanyang mga bisig at mahigpit akong niyakap.

Hahanapin natin sila baby kahit buhay ko pa ang kapalit sabi niya at hinalikan ako sa ulo. Kahit papaano ay napakalma niya ako kahit konti.

HON! / CL!

Agad kaming lumabas ni Gd matapos naming marinig ang sigaw sa labas. Nakita namin na buhat ni Sol si CL habang wala itong malay.

God! Dara si CL! Hysterical na sabi ni Bom at agad kaming sumunod sa kanila. Nadaanan pa namin ang mga patak ng dugo na nanggagaling kay CL.

Nang makarating kami sa ospital ay agad naming inawat si Sol na nagwawala sa sinapit ng asawa niya.

Ang mag-ina ko! Gawin niyo lahat maging maayos lang siya! Awat na siya nila Gd at Top.

Dara ang mga bata! Namamaga na ang mata ni Bom kakaiyak.

Ssshhh gagawa tayo ng paraan sa ngayon alamin muna natin ang lagay ni CL habang hindi pa natin alam kung nasaan ang mga kumuha sa mga anak natin. Sabi ko at umupo na kami. Ilang sandali pa ay dumating narin sila Minzy kasama nito si Rhie. Sumunod narin si Dy.

CMG 2: Demon UnleashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon