2. triplets

9.5K 285 39
                                    

Dara's POV

Hindi na ako dinalaw ng antok matapos akong makatanggap ng tawag. Isang magandang balita ang natanggap ko mula kay Minzy.

Binuksan ko ang laptop ko sa study table at binuksan ko ang pinadala ni Minzy na mga litrato. Naiiyak ako sa tuwa dahil bigla akong nangulila sa kanila.

Biglang may nag-invite na mag video call kaya inaccept ko ito.

DARA! / UNNIE!

Sigaw ng mga tao sa monitor. Agad akong sumenyas na tumahimik at tinuro ang tatlong anghel na payapang natutulog sa aking likod. Nakita kong nanlaki ang kanilang mga mata pwera lang kay Minzy at Dy. Agad naman silang nagkagulo kung sino ang unang makikipagusap sa akin kaya nagsalita na ako.

Matanda muna! Sabi ko at ngumisi si Bom dahil siya ang pinaka matanda sa mga ito. Nakita kong kinuha niya ang laptop at pumasok ito sa kwarto. Naririnig ko pa ang mga bangayan ng iba.

Hudas ka talaga! Ngayon mo lang naisipang magparamdam matapos ang limang taon! Alam mo ba halos masiraan na kami ng isip kakaisip kung anong nang balita sayo tapos *sniff* tapos wala ka nung bininyagan yung mga baby namin *sniff* huhuhu kailan ka ba uuwi ?

Mangiyak ngiyak na siya ngayon. Nakita kong biglang bumukas ang pinto sa kanyang likod at lumitaw ang isang naka suit na lalaki tila kakauwi lang nito galing trabaho. Nung una hindi ko ito nakilala pero nung lumapit na ito at humapit sa bewang ni Bom ay nakilala ko kung sino.

Ikaw na ba yan Dara? Parang hindi ka tumanda.

Sabi ni Top at humalik sa pisngi ni Bom. Buti naman at hindi pa rin nagbabago ang dalawang ito at sweet pa rin sa isa't-isa.

Maliit na bagay Top. Ikaw? Mukhang strees ka na yata sa trabaho mo mukha ka ng kapre.

Asar ko dito. Mukha siyang stress sa trabaho niya kasi miski mag-ahit ay hindi niya magawa nagmukha na talaga siyang kapre.

Sisihin mo si Gd ang lakas magpahirap. Iba talaga pag bitter pati yung mga taong nakapaligid nadadamay. Kelan ka ba kasi uuwi? Simula nang umalis ka miski tumawa nakalimutan na yata niya at tsaka laging subsob sa trabaho.

Sabi niya habang tinatanggal ang kanyang necktie.

Malapit na may aasikasuhin lang ako sa mafia. Susulpot na lang kami bigla.

Sabi ko at bigla naman may kumandong sa harap ko. May hawak itong manika habang kinukusot nito ang kanyang mata.

Mama sabi ni Snow habang nakapikit at ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Binalik ko ang tingin kila Bom at nakita kong literal na nakanga-nga ang dalawa.

D...dara ...

Sabi ni Bom. Ngumiti ako sa kanya.

Meet my daughter Jiya Snow. Just call her Snow.

Pakilala ko sa aking prinsesa. Sakto naman at dumilat ito at hinanap ang aking kausap. Nang makita niya sila Bom ay ngumiti ito at kumaway.

Who are them mama? She looks like a doll. Can I have her mama?

Tanong ni Snow habang nakangiti at nakatingin kay Bom. Naalis na ang antok nito.

Baby, she is your tita Bom and the guy beside her is your tito Top. Say hello to them baby sabi ko at hinarap sa kanila si Snow.

Hi tito and tita. My name is Jiya Snow but you can call me Snow. I'm 4 years old and I'm the bunso. Sabi niya at pinakita pa ang kanyang kamay na nagsasabing apat na taon na siya.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now