5. home

10.8K 266 11
                                    

Gd's POV

Totoo bang andito siya sa harap ko? Likod pa lang niya ay kilalang kilala ko na. Hindi ko na hinintay na humarap siya nang lumapit agad ako at mahigpit siyang niyakap.

Babygirl! Damn! I miss you like hell!

Naamoy ko na naman ang nakaka-adik niyang bango. Nahawakan ko ulit ang malalambot niyang buhok at nadadama ko na rin ang malambot niyang balat.

It feels like home!

Niyakap ko pa siya ng mahigpit at binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman ko na lang na yumakap din siya sa akin.

Bakla man pakinggan pero ang sarap ng feeling kapag kayakap mo ang taong mahal mo, yung tipong ayaw mo siyang pakawalan, o kaya ipakita sa iba na akin lang siya. Ganun ang pakiramdam ko ngayon.

Ehem! Can't breathe baby sabi niya. Agad ko naman niluwagan ang pagkakayakap ko pero hindi ko parin siya pinakakawalan. Mahirap na aka mawala na naman siya.

Magkaharap na kami ngayon habang nakayakap ako sa kanyang maliit na bewang. Makalipas ang limang taon ngayon ko na lang ulit nakita ng malapitan ang kanyang maganda at maamong mukha. Lumipas man ang ilang taon ay masasabi ko talagang walang pinagbago sa kanya ni hindi nga tumanda ang itsura niya. Pati ang kanyang katawan ay hindi nagbago.

Hinawakan ko ang kanyang mukha. Ginala ko ang aking daliri sa kanyang mukha hanggang marating nito ang kanyang mga labi.

I've been waiting for you babygirl. God knows how much I missed you. Sabi ko at agad kong sinakop ang kanyang na labi. Hindi naman siya tumutol at pinulupot pa ang kanyang mga kamay sa aking leeg. Mas lalo ko siyang nilapit sa akin at nilaliman pa ang aming halik.

Yun oh!

Woohhhh!

Get a room guys!

Naririnig kong sigaw ng mga kaibigan namin. Hindi ko tinigil ang halik at lalo ko pang hinila palapit sa akin.

Get a room mama! - Ice

Porn! - Frost

Daddy don't eat mama's face! - Snow

Napatigil ako nang marinig ko ang mga tinig na iyon. Narinig ko ang mahinang tawa ni Dara kaya napatingin ako sa kanya nakita kong namumula pa ang kanyang mga pisngi. Isang halik ang binigay niya sa akin at iniharap ako kila Ice, Frost at Snow.

Babies say hello to your daddy sabi ni Dara kaya napatingin ako sa kanya.

A.......anak ko sila? Hindi makapaniwalang tanong ko kay Dara.

Teka paano nangyari iyon?

Oo mga anak natin! Sabi niya na may ngiti sa kanyang labi.

P.....paano? Sabi ko

Mamaya ka na magtanong puntahan mo na sila gustong-gusto ka na nila makilala at makasama. I will tell you everything later just go bond with them na sabi niya at bahagya akong tinulak.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Tatlong pares ng mga mata ang nakatingin sa akin na may halong pangungulila. Nang makarating ako sa kanilang harap ay lumuhod ako upang mapantayan sila. Agad nila akong dinamba ng yakap.

DADDY! Masayang sigaw nila Frost at Snow at mahigpit akong niyakap. Wala mang sinabi si Ice ay yumakap parin ito sa akin.

Yakap-yakap ko silang tatlo nang bumuhos ang aking mga luha. Nang yakapin ko sila ay parang malaking bahagi ng pagkatao ko ang nabuo.

CMG 2: Demon UnleashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon