31. can't decide

5K 139 13
                                    

Dara's POV

Ilang linggo na ang lumipas mula nung birthday ni Rhie. Simula din noong araw na yun ay hindi na nagpakita si Dy. Ang sabi niya lang ay inaasikaso niya ang mga negosyo niya. Pinabayaan na lang namin dahil alam namin na nasasaktan parin siya.

Lagi naring tahimik si Minzy at lagi itong nakakulong sa kanyang kwarto. Tuwing tatawagin naman namin ay lagi niyang sinasabi na may ginagawa siya. Kaya noong isang gabi ay sinilip ko siya mula sa bintana at nakita ko ang mga bago niyang imbentong armas. Siguro ito ang pinagkakaabalahan niya. Hinayaan na muna namin siya dahil alam namin na ito ang gusto niya at para makapagisip-isip na rin siya.

Pero nag-aalala kami para sa kanya dahil hindi ito kumakain ng maayos. Kung kakain man ito ay hindi niya nauubos ang inihahanda namin sa kanya.

May umbok narin ang aking tiyan kahit papano, kaya laging nakabuntot sa akin si Gd. Hindi narin ako naiinis kapag nakikiya ko siya sa katunayan nga ay gusto kong siyang nakikita palagi. Inihahatid na lang dito sa bahay ang mga kailangan niyang pirmahan sa kompanya.

Hey babygirl ..

Humalik sa akin ang bagong ligong si Gd. Naka coat ito na may kurbata at naka boxer.

What's with look baby?

Natatawa kong tanong sa kanya. Naka gray na coat ito, puting long sleeve at may gray na kurbata, maayos ang kanyang buhok pero tanging boxer na spongebob ang suot niyo pambaba.

Pumunta siya sa mesa at binuksan ang kanyang laptop.

Meeting babygirl ..

Sabi niya habang ini-on ang laptop. Kinuha niya ang mga folder sa tabi nito at binasa. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang mga ka-meeting niya.

Tinignan ko ang orasan, panigurado aabutin na naman siya ng dalawang oras sa meeting. Bumaba muna ako para kumuha ng prutas tapos ay umakyat ulit. Kinuha ko ang laptop ko at umupo sa kama kung saan ay hindi ako makikita ng mga kausap ni Gd.

Nag-skype ako kila mommy at kinamusta ko muna ang mga bata tapos noon ay pumunta ako sa email ko. May mga emails na galing sa mga kompanya, hotels, restaurants na pagmamay-ari ko. Sinagot ko muna ang mga ito. May mga emails din na galing sa Phoenix Mafia pero may isang email ang nakakuha ng atensyon ko.

Walang pangalan na nakalagay. Binuksan ko iyon.

Time has come,
For you to be gone.
Keep an eye on me,
Im everywhere to see.

Look at your back,
I might get your luck.
Your friends might be at your side,
But not all them will survive.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now