21. The Date and The Chase

5.7K 154 7
                                    

Scritti's POV

Ghad! Im sure pulang-pula na ako ngayon! Nakayuko ako habang magkahawak kami ng kamay ni Thunder papunta sa sasakyan niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang mawawala ako anumang oras.

Nang makarating na kami sa sasakyan ay pinagbuksan niya muna ako na may ngiti sa kanyang mukha. Mas lalo naman akong nailang habang ramdam ko ang pagkakatitig niya sa akin.

Youre so adorable Scritti kapag nahihiya ka kaya mas lalo akong nahuhulog sayo sabi niya habang kinakabit ang seat belt ko. Medyo napaatras ang ulo ko kasi ilang inches na lang at mahahalikan ko na siya. Umiwas na lang ako ng tingin pero narinig ko pa ang pagtawa niya.

Saan ba tayo pupunta? Pag-iiba ko ng atmosphere. Kinakabahan ako kasi first time kong mayaya sa isang date. Ive never experience it before nung kami pa ni Baek kaya siguro nanibago lang ako. Feeling ko naging isang prinsesa ako sa araw na ito, lagi na lang kasing baril ang hawak ko. Pero hindi ko inaayawan ang trabaho ko. Masaya naman ako maging reaper ni Dara, that's my promise to her at yun pang din ang kaya kong ibigay sa kanya para sa lahat lahat na naitulong nila sa akin.

Secret walang clue. Kaya matulog ka muna medyo malayo ang byahe natin sabi niya. Hindi matanggal ang ngiti sa kanya at inabutan pa ako ng unan na kinuha niya sa likod. Inayos niya muna ang upuan ko bago ako halikan sa noo.

Take a rest my princess sabi niya at binalik ang tingin sa daan. Napapapikit na ako ng mata ng maramdaman kong hindi mapakali si Thunder at medyo bumilis na rin ang takbo ng sasakyan namin.

Hey what's wrong? Tanong ko sa kanya. Napamura pa ito nang makitang umayos muli ako ng pagkakaupo. Inayos ko na rin ang upuan ko at ibinalik na ang unan sa likod.

Medyo made-delayed lang ng konti ang date natin pero ako nang bahala basta ayusin mo lang maigi ang seat belt mo sabi niya. Pasulyap-sulyap siya sa rear mirror, napsulyap din ako at nakita kong may dalawang kotse ang nakasunod sa amin.

Hindi ba pwedeng walang sagabal kahit ngayong araw lang? Peste naman first date ko to tapos may manggugulo lang. Pinaghandaan ko pa naman ang araw na ito at saktong hindi ako nagdala ng kahit anumang armas sa katawan ko. Malas naman oh. Wala naman akong balat sa pwet!

Shit! Napamura si Thunder ng tinanggal ko ang seat belt.

What are you doing? Sabi pa niya habang nilalampasan ang mga kotse sa harap namin.

Duh! Isn't it obvious? Ayokong masira ang first date natin ng mga kumag na humahabol sa atin. Asan ba ang baril mo dito? Tanong ko sa kanya habang naghahanap ng baril sa pwesto ko.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now