17. Rescue

6.5K 172 13
                                    

Minzy's POV

Habang nagbabarilan sa bahay nila Dara unnie ay may napansin akong sasakyan sa di kalayuan. Nakabukas ang bintana nito kaya nakita ko last ng sino ang sakay nito.

Nagmadali akong lumabas, hindi ko na nilingon si B.i na tinatawag ako. Kailangan kong malaman kung ano ang pakay niya dito. Kung may kinalaman ba siya sa nangyari.

Habang palabas ako ay mga sumasalubong sa akin na mga lalaking mga naka itim habang may hawak na baril. Puro iwas lang ang ginagawa ko pero kapag nakakalapit ako ay sinisigurado kong mapapatumba ko ang mga ito. Napansin ko din na sumunod si B.i. Hindi niya dapat ako sundan.

Kaya niligaw ko siya. Hanggang sa hindi ko na makita miski ang anino niya. Mula sa kinakatayuan ko ay nakita kong umandar na ang sasakyan kaya mabilis akong tumakbo habang papalayo ito.

Habang hinahabol ko ang sasakyan ay lumiko ito sa isang eskinita kaya hindi ako nagdalawang isip na sundan ito. Nang makaliko ako ay nakita ko ang sasakyan na nakahinto. Bumukas ang pinto nito kaya agad akong pumasok sa loob at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

•••••

Dara's POV

Kanina pa nagrereklamo si Gd habang inaayusan siya ni Bom. Ngayon na kasi ang pakikipagkita namin sa hinayupak na Madam K na yan.

Kanina parin ako naiingayan sa bunganga niya kaya minabuti kong lumabas muna ng kwarto. Pinuntahan ko ang kambal ko na ngayon ay naghahanda na para sa pagrescue nila kay Scritti mamayang gabi. Alas dos na ng hapon. Alas kwatro naman ang binigay ng Madam K na yun para makipagkita.

Napansin kong nakaupo si Chan-chan sa sofa kaya tinabihan ko siya.

Lalim ng iniisip ah sabi ko. Nagulat naman siya hindi niya siguro naramdaman ang aura ko. Kumuha ako ng mansanas sa mesa at kinagatan iyon.

I...ikaw pala ! Sabi niya. Bahagya siyang napatingin sa akin pero agad din niyang iniwas.

Gusto mo? Alok ko sa kanya ng mansanas na kinakain ko. Ewan ko ba parang gusto kong tignan palagi ang kanyang mukha.

Umiling siya at napabuntong hininga. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Aaminin kong gwapo talaga si Chan-chan kaya nagka-crush ako sa kanya dati. Kung hindi ko lang talaga mahal ang dragon na iyon baka ito ang minamahal ko ngayon.

Masaya ka ba? Tanong niya sa akin. Sa pagkakatitig niya palang sa akin ay alam ko na nasasaktan siya.

Kung sana dumating ka lang ng mas maaga baka ikaw ngayon ang dahilan ko para lumigaya.

Binaba ko ang mansanas na kinakain ko at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

Chan-chan ... Sabi ko sa kanya.

Salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Napakabuti mong tao. Pasensya na kung hindi ko masuklian ang pagmamahal mo sa akin. Kung sakaling mas napaaga ang pagkikita natin baka sakaling merong tayo. Alam kong may naghihintay dyan na babaeng masusuklian ang ibibigay mo. Sana mahanap mo na siya kasi masakit din sa akin ang nakikita kang nasasaktan lalo na kung ako yung dahilan sabi ko. Medyo mababaw na ang luha ko siguro dahil narin sa pagbubuntis ko.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now