Chapter 26

83.3K 1.6K 72
                                    

26

Natutuliro na ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung tama ba itong ginagawa ko.  I looked down at the back yard ng bahay nila Johann tapos tumingin sa sky. Ang daming bituin at ang tahimik ng paligid. Kung gaano ka peaceful ang paligid ganun din kagulo ang nararamdaman ko ngayon. I sighed, just to ease ang paninikip ng dibdib ko. Gulong gulo ang isip ko.

Bat andito ka? Bat di ka pa natulog? Nagulat ako nung marinig ko siyang nagsalita. Pero mas nakakagulat ang reaksiyon ang puso ko pagdating niya.

Nakarating na pala siya galing sa work at hindi ko man alng narinig ang pagdating niya.

Nagpapahangin lang. Tsaka di pa naman ako inaantok. I heard him walked towards me. Nasa veranda kasi ako sa second floor. Maya maya pa I felt him hugged me from the back. Lalong lumakas ng tibok ng puso ko. Mabibingi na ata ako sa lakas.

I missed you. Tapos hinalikan niya ang buhok ko sa likod. Parang di na ako makahinga kaya di ako makapagsalita. Kahit isang minuto ka lang nawawala sa paningin ko namimiss kita agad. Kung pwede pa lang na itali na lang kita sa akin gagawin ko Angela. Para di ka lang mawala sa paningin ko.


Johann…
Sinubukan kong alisin ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko pero lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong pakiramdam na feeling ko sasabog ang puso ko anumang oras.

Can we stay this way for a while? Pagod ako sa office. Pwede bang magpahinga muna ako dito? Tapos he nestled his face on my neck. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya. Kinikilabutan ako tuwing mararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Our position is too intimate.

Dapat siguro humiga ka na sa kama mo. Dun ka na alng magpahinga. Ayaw ko pa siyang umalis. Gusto kong niyayakap niya ako ng ganito. Pero ayaw ko ring masanay ng ganito. Ayaw kong maging dependent ulit sa kanya. Ayaw kong darating ang araw na hahanap hanapin ko siya. Ayokong mahulog ulit sa kanya.

Mas gusto ko dito Angel. Hinayaan ko na lang siya. After all, hinding hindi ko matatanggihan si Johann Phoebus Zamora. Maya maya I could feel his even breath, parang nakatulog na siya habang nakayakap sa akin. Pero impossible kasi nakatayo pa kami.

Johann, tulog ka na?

Not yet. Nagpapahinga lang. After so many years, ngayon lang ako nakapagpahinga.  After so many years ngayon lang ako napanatag. And I’m glad that you’re back. Did I ever told you that? Sinabi ko na ba sayo kung gaano ako kagalak na bumalik ka na Angel?  And how much peace of mind it brought me?

Johann..I don’t know what to say. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Na masaya din ako sa pagbabalik ko kasi nakita ko siya? Or sasabihin ko ba ang totoo na natatakot ako ngayong nagkita na kami ulit kasi baka masaktan na naman ako.


You don’t have to say anything.  Just let me hold you like this.
Bakit ba ganito siya? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba di ko maalis ang takot sa puso ko? Bakit di ko siya kayang pigilan sa ginagawa niya? Bakit napakahina ko pagdating sa kanya?

Namimiss ko ang ganito? I miss a lot of things about you. Ni wala ako nung naggraduate ka. Hindi kita nasamahan nung nag enroll ka.  I miss your eight birthdays but I hope you receive my gifts. Nagtaka ako. Gifts? Siya ang nagpadala ng mga anonymous gifts sa akin nung nasa Boston ako? Habang pinipilit ko ang sarili kong kalimutan siya, alam niya kung nasaan ako?

Sayo nanggaling ang mga anonymous gifts ko?

Yes, alam ko kung nasaan ka. I never stopped looking for you and I found you after a year. I was so happy back then,  pero natakot akong lapitan ka. Baka kasi pag ginawa ko yun, aalis ka na naman. Minsan, pag hindi ko na matiis, pumupunta ako ng Boston para lang makita ka. And I would be okay again.   Biglang parang may mainit na palad na humahaplos sa puso ko. Naiiyak ako sa mga naririnig ko mula sa kanya. It is really possible for him to love me like that? Totoo ba talaga na minahal niya ako dati?

I never felt the need to please any girl before, Isang ngiti lang ang they would come running to me. He chuckled.  Pero sa’yo, I felt that I need to make extra effort just to please you.  Kaya mabaliw baliw ako nung mawala ka. I never thought that I would do what I did just to find you. Kaya wag ka nang mawala sa akin Angel.

Paano mo nalaman kung nasaan ako?

It’s not hard to trace your family, love. I feel goosebumps on my arms nung marinig ko ang sinabi niya. It’s just a word pero ang lakas ng epekto sa akin. Kinilabutan ang buong pagkatao ko hindi dahil sa natatakot ako sa kanya, kundi dahil sa kakaibang feeling na binubuhay niya sa akin.

Ikaw lang ang babaeng minahal ko. Ikaw lang ang babaeng nakakaapekto sa akin ng ganito.  Ikaw lang ang babaeng makapagpasaya sa akin. You are my happiness and you are also my downfall. 

Mahal na mahal kita Angela. That didn’t change.

Tears of Angel by BlackLilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon