Chapter 31.1

80.2K 1.4K 66
                                    

31.1

Minsan mas mabuti pang mag move-on, mag let go kaysa sa mag cling sa isang relasyon na wala rin namang patutunguhan. Masakit, oo, sa simula, parang di mo kakayanin, pero ano ba naman? Lahat naman tayo nasasaktan, lahat naman nabibigo, I'm just unfortunate enough to have plenty of it. And I believe that God wouldn't give you that pain if He knew that you can't handle it. And He gave me these trials kasi alam niyang kakayanin ko. Alam niyang it would make me stronger. Alam niyang it would make me a better person. Mahirap, oo, pero kailangan kong tanggapin, kailangan kong harapin at kailangan kong lagpasan.

It's not that easy, ilang araw din akong umiyak. Akala ko dati wala nang mas sasakit pa nung maghiwalay kami nung college pero mali ako. Maling mali kasi mas masakit pala ngayon. Mas masakit pala na malaman  that he has fallen out of  love with you  kaysa sa malaman  na niloko ako. At yung sa huli, I could hate him dahil sa ginawa niya. Pwede kong gawing strength yung galit ko para kalimutan siya. Pero yung na fall out of love siya, paano ako magagalit sa kanya? It's not his fault that he has fallen in love with someone during my absence. Kahit ilang beses pa niyang sabihing mahal niya ako, ang hirap nang paniwalaan kasi how could he have fallen in love with someone kung ako pa din ang mahal niya?

Kaya kahit masakit, kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Kailangan kong magpakatatag.

"Fille, I need to go to the market. We are running out of meat." Nawala ako sa pag iisip ko nung biglang nagsalita si Eris. Kasamahan ko siya sa apartment na nirentahan ng WHO. Pagkagaling ko sa bahay nila Johann dumiretso ako sa WHO and they immediately assigned me sa isang province at ito nga kasama ko si Eris. It has been 2 months. Maybe by now Johann and Claire are now happy. I felt a familiar ache in my heart kaya I shoved the thoughts away. Sinasaktan ko lang ang sarili ko and it's not healthy

"sasama ako. May bibilhin din ako sa mall"

"OKay lang sayo?"

"OO naman!" mas okay na sasama ako kesa magmukmok ako dito sa bahay at walang gagawin kundi ang mag isip tungkol kay Johann.

We went to the mall.  Sumama na din ako kay Eris sa pagbili ng mga food supplies namin sa supermarket at pagkatapos ay umakyat kami Department store.

ALam niyo yung feeling na may nagmamasid sayo? Yun ang naramdaman ko kasi tumatayo ang balahibo ko sa braso. I looked around, pero wala akong makita. Hinayaan ko na lang at niyaya na si Eris na umuwi na kami.

Nung makasakay na kami sa kotse, I have that feeling of being followed again. Grabe, bakit ata ang lakas ng feeling ko ngayon? Nung bumaba kami sa harap ng apartment, I saw a red sports car slow down and then speed up in front of us. Kinabahan ako bigla sa di ko malaman na dahilan.

Nagtaka ako nung nakita ko ang pulang sports car sa harap ng gate namin. I don't know  if that is the same sports car 3 days ago kasi hindi ko naman nakita ang  plate number  pero ngayon kinakabahan na naman ako. Ni hindi ko alam ang rason. I hurriedly went inside the gate of our apartment and opened the door. It's not locked samantalanag bago ako umalis kanina, tandang tanda ko na inilock ko ito. Baka umuwi ng maaga si Eris.

Binuksan ko ang pinto and went inside only to be frozen by the cold stare ng taong nakaupo sa sofa namin.

"Hanggang kelan mo itatago ang anak ko sa akin?"

Tears of Angel by BlackLilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon