Chapter 10

93.2K 1.7K 51
                                    

10

Ma’am, mauna na po tayo, matagal pa siguro matatapos  ang practice nila Sir Johann. Ilang beses nang sinabi sa akin ng driver nila Johann yan. Dapat kasi siya ang maghahatid sa akin katulad ng sinabi kanina ni Johan but I insist na hintayin siya. 7PM na ngayon. 5PM kanina nung iniwan ako ni Johann sa harap ng gym. Dalawang oras na kami naghihintay ng driver nila sa parking.

Kuya, okay lang po. Hihintayin ko po si Johann. Mauna na po kayo.
Kawawa naman kasi si Kuya. Kanina pa siya dito. Pati tuloy siya nadamay sa away namin ni Johann.

Ay Ma’am magagalit po si Sir pag iniwan kita dito at pag hindi kita hinatid.

Kuya ako na po bahala kay Johann. Hindi siya magagalit sayo. Baka po kasi hinahanap ka na sa bahay niyo. Hindi kasi tumitira yang si Mnaong driver sa bahay nila Johann. Driver kasi talaga siya ng kapatid na babae ni Johann at may pamilya siyang  inuuwian. Nakita kong parang sumaya si Kuya sa sinabi ko pero parang naghesitate.

Sige na po kuya gabi na.   Magbabiyahe pa kayo.

At dahil siguro sa gustong gusto na talaga niya umuwi pumayag na siya. Kawawa naman kasi ang layo pa ng uuwian nun.

Pagkaalis ni kuya driver, lumipat ako sa may bleacher malapit sa entrance ng field. Baka kasi pag doon ako malapit sa parking magkasalisihan kami kasi akala niya hinatid na nga ako ni kuya driver.  Nakikita ko silang naglalaro at medyo maingay sila. Sa totoo lang first time kong panoorin ang practice nila and I can’t understand bakit madami ang gustong manood ng soccer eh takbuhan lang naman ng takbuhan. May ibang nanonood din sa kanila pero doon sila sa may bleachers sa harap ng field at nagchecheer sa mga players. Nanood din ang ibang cheerleader ng school.

From 7PM naging 8PM. Kinakagat na ako ng lamok. Napapatingin na din ang ibang estudyanteng dumadaan sa tabi ko. Kumukunti na din ang mga estudyante.  Nagugutom na ako kasi hindi ako nagmeryenda kanina. Pero  mukhang wala pang planong tapusin ang practice nila Johann. Medyo nilalamig na din ako dito sa pwesto ko.  I kept myself busy by reading my books pero walang pumapasok sa isip ko. Sino ba naman kasi ang makapagconcentrate kung ganyang binabagabag ka ng iyong kunsensiya?

Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng hangin, sa gutom or boredom kaya nakatulog ako. Nagising ako kasi may narinig akong ingay na papalapit. Ingay ng mga lalaki. Tapos I found myself na nakasubsob sa libro ko.  I looked at the field at nakita kong wala nang tao. Gaano katagal na akong nakatulog dito? I check my watch at nakita kong 9PM na. Baka iniwan na ako ni Johann! Kinabahan ako bigla.

Pareng Johann,  inspired?  Narinig ko ang tawanan ng group of guys na papalapit sa pwesto ko. And I was relieved upon seeing that one of them is Johann.

Anong inspired? Baka sabihin mo expired. Maririnig mo ang malakas na tawa ng mga kasama nila pero hindi  sila pinapansin ni Johann.

Ilang beses ka bang pinagalitan ni coach tol? ANo ba kasi ang nangyari sayo?


Nag away kayo ano? Hindi pa rin sila pinapansin ni Johann. Basta naglalakad lang siya bitbit ang bag niya.

Hay naku! Babae na naman. Bakit di mo kaya  I try pumatol sa bakla tol? Baka sakaling di yan ang magiging epekto sayo? Tapos nakita kong binatukan siya ng isang kasamahan nila. Ang haharot talaga ng mga lalaki. Ang laloud pa pag nagsalita. Parang feeling nila sila lang ang tao sa buong school.

Aray!

Para g@gu ka lang kasi makaadvice ano? Nasa tapat ko na sila pero mukhang di nila ako napansin kasi busy sila sa paghaharutan. Si Johann naman nakatingin lang sa daan habang naglalakad. Halatang ayaw patulan ang panunukso ng mga ka teammates niya.

Ito naman di na mabiro. Pinapatawa ko lang naman si Johann eh.  Wow chicks. Akala ko white lady eh. Binatukan ulit nung isa yung nagsalita.

Pati nananahimik pinapakialaman mo!Tapos tumawa yung iba nilang kasamahan habang nilalagpasan nila ako.  Ni hindi niya ako napansin. Nilagpasan niya lang ako. Pero hahayaan ko lang bang lagpasan niya ako?

Nung mga 10 steps na ang lagpas nila tumayo na ako and gathered my things. Mabigat sa dibdib but I have to face him. Kailangan kong mag adjust kong gusto kong magtagal kami. Hindi pwedeng siya na lang palagi ang mag eexert ng effort. It should be both of us. Kukunin ko na sana ang isa kong libro nung may humawak sa kamay ko.


Why are you still here?
Parang on queue biglang bumilis ang heartbeat ko. Parang nabuhay  ang puso ko upon hearing his gentle voice.  Tumingin ako sa kanya at nagkatinginan kami. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Natutuwa ako kasi kahit nalagpasan na niya ako, bumalik pa din siya. Na kahit nakatalikod na siya nakilala pa din niya ako.

I’m sorry na. Hindi ko alam kung bakit yun ang unang nasabi ko at hindi ko rin alam kung bakit tumulo na lang bigla ang luha ko. Johann, I’m sorry.

Tapos bigla na lang niya akong niyakap. Katulad nito oh (Click this) credit to pinkpalitaw of tumblr
Napaiyak ako lalo sa ginawa niya. Bakit ba kasi napakaiyakin ko?

Bakit hindi ka nagpahatid kay Kuya? He said gently. Kasing gentle ng pagyakap niya sa akin. Na parang ingat na ingat. Alam mo ba kung anong oras na?

Gusto ko lang naman kasi na…. gusto ko lang naman kasi na… I want us to last. Tapos humikbi ulit ako. Pag tumigil ba ako sa kakaiyak hindi na niya ako yayakapin? Kung ganun rin lang, di iiyak na lang ako palagi para palagi niya akong niyayakap. God knows how I love being in his arms. Ang sarap ng feeling. Parang ang lahat ng sama ng loob ko nawawala pag niyayakap niya ako. Parang napakasecure ng feeling pag nakayakap siya sa akin.

I felt him kiss my forehead and I find it very sweet. Ako din Gel, I want us to last.

Aw ang cheesy na.

Ano ka ba kinikilig ka lang eh.

Ul0l.

Akalain mo yun, kanina parang naglalakad na zombie pero nagulat ba naman ako nung bigla bumalik at nangyakap ng chicks. Tsk tsk.

Tara na nga mga tsismoso.

Parang ikaw di nag enjoy.
Binatukan ulit yung nagsalita.

Tol, mauna na kami. Dahan dahan sa PDA. Baka mahuli ng guard.

I felt him chuckle. Tapos humarap siya dun sa mga kateammates niya habang yakap ako ng isang kamay niya at nakasubsob ako sa dibdib niya. Bakit ba? Ang bango eh.  Bagong ligo kaya siya.

Mga g@gu! lumayas na nga kayo. Tapos tumawa siya. First time ko siyang narinig na tumawa simula kaninang nag away kami.

Ha?  Di ba sasabay ka sa akin? Wag mong sabihing iiwan mo ako? Pagkatapos ng lahat lahat…Ay taeeeeeeee ibaba niyo nga ako… Tapos ayun binuhat na nila yung madaldal na kateammates nila palayo sa amin. Nangiti lang ako sa ginawa nila.

Pasensiya ka na, ganun lang talaag sila kagulo.

Okay lang.

So, nasaan si Kuya driver?

Pinauwi ko na. Kanina. Wag kang magalit sa kanya. Gusto kong hintayin ka. Ayaw kong nagagalit ka sa akin. Ayaw kong nag aaway tayo.

Im sorry din kanina. Pero hindi dahil dun kung bakit pinasundo kita kay Kuya Driver. Pinapunta ko siya dito kasi alam ko na hindi talaga kita maihahatid kasi gagabihin kami ng sobra at hindi dahil sa nag away tayo. Ayokong paghintayin ka ng matagal pero it seems na  yun pa din ang nangyari. And I presume hindi ka pa nagdidinner. Tumango  lang ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.

Ang tigas kasi ng ulo mo. Nagutom ka tuloy. Nilamok ka pa.  Paano pala kung hindi ako lumingon at hindi kita napansin kanina?

Hahabulin kita. Pero paano mo ako napansin di ba nakayuko ka kanina?

Ewan ko nga ba pero nung dumaan kasi ako kanina, parang kinabahan ako na ewan na biglang bumilis ang heartbeat ko tapos naamoy ko ang scent mo kaya napalingon ako.  Pwede pala yun?  Nangiti ako sa sinabi niya.

Yes, ganun lang Bati na kami. May kasalanan kaming dalawa at  hindi kailangang magturuan kung sino ang dapat maunang mag sorry. Hindi na kailangang timbangin kung sino ang mas may mabigat na kasalanan. Hindi na kailangan ng pride.

Tara, kumain muna tayo. Nagsabi ka ba kina Mommy na gagabihin ka? Dahil kung hindi patay ako kina Daddy.

Oo tinawagan ko sila kanina.  Mommy? Daddy? Tumingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. Pero tinawanan lang niya ako at ginulo ang buhok ko.

Pagbigyan mo na ako. Dun rin naman tayo patungo. Nagpapractice lang. Misis. Tapos nakangiti siyang nakakaloko at naglakad na kami papuntang kotse niya habang nakaakbay siya sa akin.

Tears of Angel by BlackLilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon