Chapter 13

86.5K 1.5K 48
                                    

13.


Tumakbo ako paakyat ng hagdan papunta sa rooftop ng building. Kahit nagbablurred na ang paningin ko dahil sa luha, nakuha ko pa din umakyat. May mini garden kasi sa rooftop ng building na to at dahil tanghali ngayon, kukunti lang ang mga tao dahil nga sa mainit.

Umupo ako sa  isa sa mga bench doon at doon umiyak ng umiyak. Ang sakit lang kasi isipin na ang lalaking minahal mo ng sobra ay hindi ka naman pala sineryoso.  Ang sakit lang kasi isipin na akala mo seryoso ang relasyon niyo yun pala naglalaro lang siya. Ang sakit lang din isipin na sa tatlong buwan na naging kami ni hindi ko man lang napansin na nagkukunyari lang siya. AT ang mas masakit pa, naturingan akong matalino pero nagpakatanga ako ng dahil sa kanya. Siguro pinagtatawanan na nila akong lahat ngayon.

Angel…Napaupo ako ng tuwid nung marinig ko ang boses niya. Parang tumigil ang mundo ko. Pati ang luha ko tumigil at tumigil ang tibok ng puso ko. Ito ang lalaking nanakit sa akin. Ito na ngayon ang lalaking dahilan kung bakit ako umiiyak ng ganito. Ito ang lalaking pinaglaruan ako. Ito din ang lalaking mahal na mahal ko. Bakit ganun? Bakit hindi ko siya kayang kamuhian? Bakit di ko kayang magalit sa kanya?  Bakit mahal ko pa rin siya pagkatapos ng lahat? Bakit siya pa rin ang tinitibok ng puso ko?
Tumayo ako at naglakad papuntang hagdan. Pero bago ako nakaalis nahawakn niya ang braso ko.

Magpapaliwanag ako. Please let me explain. Gel… I can hear his pleading voice but I never dare look at him. Ayokong nakikita siyang ganyan. Siguro nga tama sila, ang taong nasasaktan ay di nakakarinig ng kahit na anong rason, di nakakaintindi ng kahit anong paliwanag. Dahil sa ngayon iisang bagay lang ang naiintindihan ko. Nasasaktan ako sa ginawa ni Johann sa akin.

Bitiwan mo ako please.

No. Hinding hindi ko gagawin yun. Hanggat hindi mo ako pinapakinggan hindi kita bibitiwan.

Bitiwan mo na ako sabi! Wag mo na ako pag aksayahan ng panahon. Your game is over. Tapos na. You’ve got your price. Bakit mo pa ako pinag aaksayahan ng panahon? Bakit mo pa pinag aaksayahan ng panahon ang isang babaeng sampung libo lang ang halaga? Yan na naman. Di ko na naman napigilan ang mga luha kong nag uunahan. Ayaw ko sanang umiyak sa harap niya. Ayaw kong ipakita sa kanya kung gaano ako kahina. Pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan na ipakita sa kanya kung gaano ako nasasaktan ngayon.

Dahil mahal kita. Mahal na mahal kita kaya pinag aaksayahan kiya ng panahon. Naiintindihan mo ba yun?

Mahal? Ako mahal mo? Pati ba yun? Pinagpusthan niyo? Magkano naman? Magkano ang mapapanalunan mo pag nasabi mo yan sa harap ko after kong malaman na pinagpustahan nyo ako? After ng ginawa niyo? Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo?

Angel….Inalis ko ang pagkakawhawak niya sa braso ko. 

Alam mo, hindi naman sana ako maniniwala kay Amie eh. Sayo ako maniniwala. If you denied it. I would believe you, kasi mahal kita eh. Kaya ikaw lang ang paniniwalaan ko. But sa’yo na mismo nanggaling. Pinagpustahan niyo ako just because, I happened to pass by your way nung pinag uusapan niyo yun. Kung ibang babae ba yun, Mas malaki ba or mas mababa ang pustahan niyo? 3 months din kaya ang duration?

So mas gusto mong magsinungaling ako sayo? MAs gusto mong sabihin kong di ako nakipagpustahan kay Amie. Would you rather believe in a lie? Pag hindi ko ba inamin kanina at pag nalaman mo sa mga susunod na araw, hindi ba magiging ganito ang reaksiyon mo? Wouldn’t you flinch at my very touch katulad ng ginagawa mo ngayon?

Why not? Why not Johann? You have been lying to me for 3 months now. What’s the point of telling the truth now? Sana naisip mo. Sana nagsinungaling ka na lang. Sana niloko mo na lang ako. Sana ginawa mo na lang akong tanga just to spare me this pain.  Ang sakit sakit kasi.  Tapos humagulgol na talaga ako. Nanghihina kasi ako. AT bago pa ako mapaupo sa damo. I felt his arms around me. Pinatayo niya ako and he hugged me.

I’m sorry. I am so sorry Angel.

I could understand Amie if she hate me this much. May ginawa kasi ako sa kanya.  I said quietly. Pero ikaw? Ano ba ang nagawa ko sayo? ANo ba ang kasalanan ko sayo para saktan mo ako ng ganito? Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka na sa tabi ko. Masakit man, pero Johann, kailangan ko nang lumayo sa yo. 

Angel. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kasi bigla niya akong tiningnan. Lumayo ako ng kunti sa kanya. You are not breaking up with me.


Siguro, pag hindi na masyadong masakit, kaya na siguro kitang harapin ulit. Pero wag ngayon Johann. Hindi ko pa kasi kaya. Pag nakikita kita mas lalo akong nasasaktan.


Angel, please… I heard his voice broke and I looked at him.  Ngayon lang ako tumingin sa mukha ni Johann. SImula kanina ngayon ko lang siya tiningnan. And his face is red all over and I saw tears flowing down his cheeks. Tumalikod ako at iniwan siya.


 Hindi ko kasi kayang makita siyang umiiyak. Mas nasasaktan ako.

Tears of Angel by BlackLilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon