Chapter 14

84.1K 1.4K 44
                                    

14

Pagkagaling ko sa garden lumabas na ako ng school. Dumiretso na ako ng uwi sa bahay. Nagtext na lang ako kina Yanyan na di na ako makakapasok kasi may emergency.  Para wala pa din ako sa sarili nung sumakay ako ng taxi papunta sa bahay namin. Pagdating ko sa house medyo kinabahan pa ako kasi nakita ko ang kotse ni Andrei sa parking. Ibig sabihin andito siya at hindi pumasok sa work.  Kinusot kusot ko ang mata ko bago ako pumasok para di sobrang halata na namamaga ito.

Pagkabukas ko ng door nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Sinulyapan niya ako pagkapasok ko.

Oi Angel, bakit andito ka? Wala kang pasok?

Wala po Kuya.  Tumango lang siya. Naguilty ako. First time kong nagsinungaling sa kuya ko.  Akyat po muna ako medyo masakit ang ulo ko.

O sige uminom ka ng gamot bago lumala yan. Tapos bumalik na ulit siya sa pinapanood niya. Umakyat lang ako sa kwarto ko and inilock ang pinto. Pagkapasok na pagkapasok ko humiga ako sa kama at doon umiyak ng umiyak. Bakit ganun? Kanina pa ako umiiyak pero parang hindi nauubos ang luha ko. Kanina pa ako umiiyak pero bakit parang di nawawala ang sakit. Bakit  ang sakit sakit pa din?

Dahil siguro sa kaiiyak ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nung may kumatok sa kwarto ko.

Angel.. Baby… Bumaba ka na dyan. Magdidinner na tayo.
That’s my Mom.  TUmayo ako and check myself in the mirror. Namamaga pa din ang mata ko.

Baby… Gising ka na. Dinner na.


Sige po Mom, susunod na ako. Naghilamos ako at nagsuot ng pambahay at bumaba na sa dining. And as usual hinihintay nila ako  bago sila kumain. Sabay sabay kasi talaga kami pag kumakain. Except pag lunch kasi nasa office sila Mom, Dad and Kuya at ako naman nasa school. Pero pag breakfast at dinner sabay kami palagi except kung may lakad ang isa sa amin.

Umupo na ako sa upuan ko tapos nagpray na kami tapos kumain na. Nakayuko lang ako.

Baby, wala ka atang gana? Puna ni Dad sa akin. Kumuha naman ako ng medyo malaking serving at pinilit na lunukin ito. Ganito pala pag nasaktan ka, pati sa pagkain nawawalan ka ng gana.

Masakit daw ang ulo niyan  nung dumaitng siya. Dahil siguro sa sobrang init ngayon. Sagot naman ni Kuya ANdrei.

Nakainom ka na ba ng gamot Baby? Tapos hinawakan ni Mom ang noo ko para tingnan kong may lagnat ako.  Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang tumulo ang luha ko.  Naalarma silang tatlo.

Bakit Baby, sobrang sakit ba talaga ng ulo mo? Wala ka namang lagnat.
Umiling lang ako kasi di na ako makapagsalita. 

Andrei looked at me intently na parang binabasa niya ako. Tapos binaba niya ang spoon and fork niya.

Ano ba talaga ang nangyari Angela?  Napayuko ako. Pag Angela na ang tawag sa akin ni Kuya Andrei, seryoso na siya at alam kong di niya ako tatantanan hanggang hindi siya kuntento sa sagot ko, which is ang katotohanan. Pero pag sinabi ko naman sa kanila magagalit sila kay Johann. Ayokong mangyari yun.

So magsasalita ka ba o hindi? Medyo tumaas na ang boses niya that time at mas lalo akong napayuko. Bakit kasi kailangang kasi umiyak pa ako sa harap nila eh. Bakit kasi di ko napigilan?

Andrei, you don’t have to shout at her. Nasa harap tayo ng pagkain. Sinaway ni Mom si Kuya.

Yun nga Mom eh! Nasa harap tayo ng pagkain pero itong si Angela, iniiyakan ang pagkain. Sa tingin mo, iiyak yan ng ganyan ng dahil lang sa sakit ng ulo?

Okay, we got your point son, and  I’m  sure sasabihin sa atin ni Angela ang nangyari ng hindi kailangan magtaas ng boses. Right Baby? Hindi ako makatingin kay Dad. Hindi ako maka oo. Hindi ko alam kung kailangan ba nilang malaman ang nangyari sa amin ni Johann.

Where is Johann?
With that, napataas ako ng ulo. Napatingin ako kay Kuya Andrei. 

Sinasabi ko na nga ba eh. Ano ang ginawa niya sayo?
  Kung kanina galit siya, ngayon galit na galit siya.

Wala pong kinalaman si Johann dito Kuya.Sige pagtakpan mo pa Angela. Para naman makakalusot ka.

Kung wala siyang kinalaman, papuntahin mo siya dito ngayon!

Andrei!

Kuya!

Ano? Sasabihin mo sa amin kung bakit ka umiyak o ako mismo ang magpapapunta kay Johann dito?
Wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanila ang buong nangyari. Niyakap at inalo lang ako ni Mom habang nakatingin lang sa amin si Dad ng seryoso. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ni Dad pero alam kong galit na galit si Kuya Andrei.

Sonofab!tch. Sampung libong peso? Sampung libong piso ka lang para sa kanya? P0tangIna niya! Walanghiya.

Andrei. Nasa harap tayo ng pagkain. Stop cursing.Saway naman ni Dad.


Wag na wag lang magpapakita sa akin ang walanghiyang yun   Angela.  Wag na wag lang siyang magpapakita.
With that tumayo siya at lumabas ng dining room.

Andrei! Kumakain na tayo.

Im sorry pero nawalan na ako ng gana. Napbuntunghininga lang si Dad at si Mom umiyak na din habang yakap niya ako. At dahil doon nasira ang dinner namin. 

Mom, Dad I’m sorry.


Don’t be sorry Baby. Hindi mo kasalanan. Okay? Remember, andito lang kami for you. We love you so much.  Tumango lang ako at nag iyakan kami ni Mom. 

Tears of Angel by BlackLilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon