Kabanata 14

10.5K 208 9
                                    










SUMIKLAB sa aking mukha ang isang nakasimangot at naiinis na ekspresyon habang minamasdan ang paglalakad nya papalayo sa aking kinatatayuan. Mabilis ko syang sinundan patungo sa kanyang sasakyan.





"What do you think are you doing now Rafael?" Iwinaksi ko ang kamay nya na magbubukas sana ng passenger's seat.





"Just get inside Barbara." Utos nya sa isang mala-awtoridad na boses. Iwinaksi ko ulit ang kamay nya at laking gulat ko nang hilahin nya ako pasandal sa pinto ng kotse.





"Release me."





"No."





"Ano ba ang kailangan mo sakin? Bitiwan mo ako."





"No."





Buong lakas ko syang itinulak subalit sadyang napakatigas ng kanyang dibdib. Parang nalulusaw na ako sa tindi ng paninitig nya na pakiramdam ko'y tumatagos sa kailali-laliman ng aking laman. Nababasa ko sa mga mata nya ang pagpipigil ng paglabas ng mga tinatagong kataga na ayaw nyang ibigkas.





"Let me go!"





"I'M SORRY."





Nabalot ng ilang segundong katahimikan ang paligid nang banggitin nya ang dalawang salita na pakiwari ko'y ngayon pa lang nya pinalabas.





"Anong sabi mo?"





"Get inside the car."





"What did you just say Rafael?"





"I'm sorry okay? I'm sorry. Now get inside the car."





Hinila nya ako sa bewang kaya laking gulat ko nang mahawakan ang mainit at matigas nyang dibdib. Binuksan nya ang pintuan at inakay ako papasok sa loob. Tulala akong nakaupo at minasdan ang matikas nyang paglalakad papunta sa driver's seat kasabay ang panggulo sa maayos nyang buhok.





"Where do you want to go?"





"Akala ko ba nakaplano na 'to lahat?"





"You should be thankful I took you out of that boring mansion Barbara."





"I'd rather get myself stuck inside that boring mansion than to be with you. Villafuente." Nakita ko ang bahagya nyang pagngisi at pagsandal ng kaliwang braso sa bintana at hinayaan ang kanan na mag-isang humawak sa manibela.





"Consider this day yours. So you decide where we should go." Eksaktong nahagip ng aking mata ang malaking pangalan ng amusement park na malapit na naming malagpasan.





"There." Sabay turo sa front gate nito. Ngumiti ako ng malapad at binilang sa isip kung ilan at anu-anong rides ang sasakyan namin. Mabuti naman at hindi na sya umangal pa at ipinark na ang kotse sa parking lot na nasa loob nito.





Nagtungo kami sa customer's desk para kumuha ng all access wrist bracelet kung saan masasakyan namin lahat ng rides kahit ilang beses.





"Dun tayo!" Hinila ko sya na parang isang bata papalapit sa napakalaking ferris wheel matapos nyang bayaran ang AAWB.





"Wait Barbara. Ikaw lang amg sasakay. Dito lang ako maghihintay." Napansin kong pumutla ang mukha nya nang makita ang tuktok ng ferris wheel.





Tears Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon