Kabanata 11

11.7K 215 4
                                    

PARANG pinitpit ako sa luya matapos tawagin ang pangalan ng lalaking nagligtas sa akin kanina. Lumapit ang isang babaeng may maiksing palda sa kanya at hinawakan sya sa braso. Bahagya pang napapiksi ito nang iwinaksi niya ang kamay ng babae at mas binilisan ang paglalakad.

"King! Ano ba! Talk to me!" Rinig ko nang maabutan namin sila sa labas matapos habulin ng babae ang lalaki. Hinarap sya nito dahilan upang makita ko ang mukha nya mula dito sa medyo malayo. Hindi ko ito masyadong naaaninag pero parang may isang imahe ang kusang rumerehistro sa aking isip.

"Hindi."

"What? Anong hindi?" Naaalibadbarang tanong ni Amanda.

"Hindi maaari. Hindi maaaring--"

Sinuka ko lahat ng laman ng aking tiyan. Sumuka ako hanggang sa nawalan na ako ng malay tungkol sa mga pangyayari sa paligid.

"Barbara." Inangat ko ang talukap ng aking mga mata matapos marinig ang boses ng isang napakapamilyar na nilalang. "How's your feeling?" Niyapos nya ang aking mukha kaya naramdaman ko ang mainit nitong mga palad na tila kumukuryente sa bawat ugat na nanalaytay sa aking balat patungo sa aking utak. Ang napakagwapo nyang mukha ang agad na bumalandra sa aking paningin. Mula sa nakakabighaning pagbukas-sara ng kanyang mga mata hanggang sa nakakapigil-hiningang paggalaw ng kanyang mapupulang mga labi. Abot edsa akong ngumiti at pinindot ang kanyang napakatangos na ilong.

"Hindi mo ba tinapos ang pagpapantasya mo kagabi para magmukha kang may sinulid na nakatarok sa noo ngayon?" Singbilis ng paglakbay ng ilaw sa hangin ang pagbabalik-realisasyon ko nang marinig ang mabigat na tinig ni Amanda. Biglang napalitan ng mukha ni Leo ang kanina'y kaharap ko, na si Rafael. Humalakhak ito at tumayo.

"I guess you're fully awake now. Prepare yourself. We'll leave after breakfast." Nauna itong lumabas sa kwarto kaya nabigyan ng pagkakataong harapin ako ni Amanda.

"Why did you-- ugh! don't ever touch him again!" Padabog itong nagmartsa palabas at halos sirain ang kawawang pinto.

Matapos kong maligo at magbihis ay inayos ko ng maiigi ang aking sarili. Buti nalang at biniyayaan ako ng makinis at maputing kutis na mas lalong nagpapakintab ng aking maaliwalas na mukha at magandang hubog ng pangangatawan.

Naalala ko ang mga eksenang naganap kagabi kaso hindi lahat. Ang alam ko lang nalasing ako, binastos at pinagtanggol. Natigilan naman ako saglit nang pilit na binabalik-tanaw ang mukha ng sumaklolo sa akin ngunit mas minabuti kong huwag na lang alahanin. Nakokonsensya ulit ako sa pagbibigay sa kanila ng dagdag pang responsibilidad. Pero kasalanan din naman iyon ni Amanda. Kung hindi nya ako hinamon eh di sana ay maluwalhati akong nakauwi at nakapagpahinga.

Palabas na ako sa kwarto, bitbit ang paper bag na may laman ng susuutin ko mamaya sa pool party, nang mahagip ng aking paningin ang mga rosas na nakapatong sa side table ng kama. Malapit na itong matuyo at mawalan ng makintab na kulay. Nilapitan ko ito at inamoy. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko na gawin ang bagay na iyon dahilan upang mapaubo ako sa baho na sadyang makati sa aking lalamunan.

"Anong oras ba magsisimula ang party?" Tanong ko nang makaupo na sa hapag-kainan.

"As soon as we arrive there." Nakangising sagot ni Leo. Nababasa ko sa mapupungay nyang mga mata ang isang tinatagong balak. Para bang nasasabik syang magtagumpay sa inaasam na resulta ng kanyang pinaplano. Napataas-kilay naman ako matapos mapagtanto ang pagiging isang bachelor nya. Sukat ba namang ang pagdating namin ang basehan ng pagsisimula ng kasiyahan. Nagpapahiwatig lang ng matibay na pundasyon ng kanyang pamamahala sa mga negosyong kanyang nasasakupan.

Di makabasag pinggan kaming natapos ng agahan at dumiretso na sa kotse matapos mag-ayos muli ng aming mga sarili. Nang makarating kami sa hotel ay sinalubong agad kami ng mga crew at kinausap si Leo ng kanyang sekretarya na si Ralph. Sinenyasan naman ni Leo ang isa sa mga trabahante na ihatid kami sa naka-reserve na room. Yumuko ito at iminuwestra sa amin ang direksyon patungo doon. Nauna itong maglakad kasunod si Amanda.

Tears Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon