Kabanata 6

15.9K 295 18
                                    

TULALA akong napaupo sa putol na kahoy malapit sa kinatatayuan nya. Napainda pa ako sa sakit ng aking sugat dahil sa muntik na akong mapatianod sa pagkakawala ko ng balanse sa pag-upo.

"Pero narinig ko itong pumutok. Kasama ko pa nga ang pinsan ko." Nagdadalawang-isip na sabi ko sa kanya sabay himas sa aking likod. Tumaas ang kanyang kilay nang makita ang ginawa ko kaya ginatihan ko lang sya ng ganun ding reaksyon.

"Maaaring ganyan nga ang nangyari pero hindi natin alam kung ano nga talaga ang buong eksena. Siguro nga tama ka." Biniyak nya ang panghuling piraso ng putol na kahoy at iniligpit. Napansin kong minarkahan nya ang isang puno kaya nagtataka ako kung para saan ang mga linyang iginuhit nya sa mga ito. Tumayo ulit ako at nilapitan sya.

"Para sa'n ba yan?" Pang-iistorbo ko sa ginagawa nya.

"Nothing."

"Anong nothing eh mamarkahan mo ba yan kung wala naman palang dahilan. Inuuto mo pa ako." Singhal ko bago umirap at tumalikod. Mahina lang ang aking paglalakad dahil masakit pa ang sugat ko sa likod.

"Napadpad ako sa lugar na ito dahil may hinahanap ako." Huminto ako sa paghahakbang ng aking mga paa at nilingon sya.

"Akala ko ba pinagtataguan mo ang babaeng baliw sa'yo?" Taas-kilay kong sabi matapos makita ang walang emosyon nyang mukha.

"Oo. Tumakas nga ako sa gabing iyon. Dahil sa kabaliwan nya, pati babaeng gusto kong pakasalan ay inilayo nya sa akin. Nilunod ko ang aking sarili sa kalasingan matapos nitong makipaghiwalay. Nang gabi ring iyon ay itinapon ko ang kwintas na ibinigay nito sa akin dito sa gubat at hindi ko na matandaan pa kung nasaan kaya ngayon ay nahihirapan ako sa paghahanap." Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nya. May mahal pala sya at inilayo talaga ng babaeng baliw sa kanya. Kung iisipin ay hindi ko mawari kung bakit ganun nalang ka desperada ang babaeng tinutukoy nya.

"Ganun ba? eh di tutulong na lang din ako sa paghahanap." Nagsimula akong humalungkat sa kumpol na mga dahon sa aking kinatatayuan. Humalakhak sya at naglakad pabalik sa kubo.

"Wag na. Kaya ko 'tong mag-isa. Ano ba ang plano mo sa ngayon?"

"Hindi ko pa alam. Sa tingin ko'y mas lalong manganganib ang aking buhay kapag bumalik ako kina papa. Hahanapin ko na muna si Rafael at tanungin kung ano ang mga nalalaman nya tungkol sa kanila." Tumango sya at nagtungo sa kalan. Tahimik lang akong sumunod sa kanya at pumasok sa kubo.

Sinimulan nya ang paghahanda ng agahan at ako naman ay nakaupo lang sa silya na kinuha ko mula sa loob. Pinagmamasdan ko ang pagsunod nya sa wastong proseso ng pagluluto. Hindi maipagkakailang magaling nga sya sa kusina. Maswerte ang babaeng makakatuluyan nya. Bukod sa pisikal nyang katangian ay may nalalaman syang dapat tularan ng mga lalaki sa mundong ito.

"Tutulungan kitang mahanap si Rafael." Banggit nya kahit kitang-kita na malayo ang kanyang iniisip. Marahan lang akong tumango at ngumiti.

"Salamat."

Kumain kami ng agahan at bumalik ulit ako sa paghiga sa kama. Nang tuluyan na sana akong makatulog ay naalimpungatan ako sa realisasyong nag-iba na ang suot ko simula kahapon nang magising ako.

"Ikaw ang nagpalit ng damit ko?!" Sigaw ko mula sa loob. Ilang segundo pa bago sya makasagot mula sa labas at ewan ko kung ano ang ginagawa. Siguro ay naghahanap na naman nung nawawala nyang kwintas.

"Yes. Don't worry. Wala akong ginawang masama. Hindi ako tulad ng iniisip mo." Itinaas ko ang aking isang kilay at pinaypayan ang sarili. Wala na akong magagawa kung ano nga ang ginawa nya dahil wala naman akong malay ng mga panahong iyon. "I did it with my eyes closed." Sumilip sya sa pinto at ngumisi ng mala-demonyong ngiti.

Tears Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon