Kabanata 12

10.9K 225 5
                                    




KASABAY ng di maabutang takbo ng kabog sa aking dibdib ang pagsulyap sa tanawing hindi ko kayang iguhit. Tila ba namamanhid ang aking mukha sa sobrang pag-init nito habang minamasdan ang mabigat na mga hakbang ng lalaking kahit sino ay mabibitag ng kanyang kagwapuhan. Wala sa isip nito ang panggigigil ng mga kababaihan na hula ko'y kaya nilang magtulungan, mahawakan lang ang kadulu-duluhan ng kanyang kalingkingan. Sa nakakatakot nyang mga mata ay tama nga lang naman na mag-ingat ka. Ganito ba talaga ang epekto nilang tatlo?







"Barbara." Napakurap ako nang makita ang kamay ni Zach na kumakaway sa aking harap.







"Y..yes?" Wala sa isip kong tanong.







"Any problem?" Bakas sa hitsura nito ang kuryusidad at pagtataka.







"I assume she must have none." Pigil-hininga kong tinikom ng mariin ang aking bibig at kinagat ang pang-ibabang labi. Napansin naman ito ni Zach kaya agad na nagtagpo ang kanyang mga kilay.







"It is too early to push someone especially on parties." Sumandal si Zach sa mesa at kumuha uli ng alak bago nilagok.







"He's blocking my fucking way." Ramdam ko ang galit sa boses ni Rafael. Iba nga siguro pag isang Rafael Villafuente ang makakasalubong mo sa daan at hinaharangan mo sya.







"Really?" Nanunudyong tanong ni Zach. Pakiramdam ko'y magkakaroon ng suntukan kapag magpatuloy pa ang pag-uusap nilang dalawa. Hindi ko sila lubusang kilala pareho pero mas lalo lang akong maguguluhan kung hindi ako aalis sa pagitan nila. Ni hindi ko nga alam kung paano ko haharapin si Rafael gayung ilang araw na ang lumipas simula nang hindi kami nagkita. Napakabilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis ay hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago nya. Mula sa mas lalong tumikas na pangangatawan hanggang sa mas nakakabaliw na kagwapuhan.







"Uhhh m..magsi-cr na muna ako. Excuse me." Tumayo ako nang nakayuko at diretsong nagtungo pabalik sa loob ng hotel. Tinawag ako ni Zach nang hindi ko sinagot ang tanong nya na kailangan ko pa ba raw magpasama ngunit hindi ko na binalingan pa.







Itinanong ko sa janitor, na natagpuan kong naglilinis, kung nasaan ang comfort room at agad naman nyang itinuro sa akin. Nanatili ako sa loob habang kaharap ang aking sarili. Plano ko sanang bumalik nalang sa room namin at hintayin na lang sila na matapos sa party.







Pumanhik na ako papalabas ng cr nang may makita akong lalaking nakasandal sa pader na para bang may hinihintay. Bago ko pa ito makilala ay alam ko na kung sino.







"R..Rafael?" Buong tibay sa dibdib kong sabi. Lumingon sya sa akin at itinaas ang isang kilay. Huminga ako ng malalim at humakbang papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat. Masayang-masaya ako na ligtas sya at ngayon ay mas gumaganda ang kondisyon, pangangatawan man o maging sa posisyon. Sana nga'y kaya kong yakapin sya upang mapunan ang tila ba'y pagkukulang sa aking dibdib. Hindi makukumpleto ang kaligayahan ko ngayon kung hindi ko man lang sya mahawakan. "Kamusta ka na?"







Mahigit dalawang metro na lang ang layo namin at tuluyan ko na syang malalapitan. Binawi nya ang tingin sa akin kanina at diretso lang ang pagdungaw sa glass wall ng hotel na nakapuwesto sa kanyang harapan. Hindi pa nya ako sinasagot kaya humakbang uli ako ng ilang sentimetro. Huminto ako at tinitigan sya kahit hindi pa ako binalingan ng atensyon.







"I'm fine." Diretso ang sulyap nya sa mga paa ko na naka tsinelas lang. Umigting pa ang kanyang panga nang may napagtanto matapos itong makita. Inalis nya ang kanyang mga mata sa direksyong iyon at naglakad paalis na para bang hindi nya ako nakita. Bahagya akong nakaramdam ng kakaiba sa naging kilos nya kaya wala akong ibang maramdaman kundi ang mainis. Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin ay ganun na lang ang inasta nya? Marapat bang tratuhin ako ng ganon porke't nawala lang ako saglit sa pang-araw-araw na gawain nya?







Tears Of The DevilWhere stories live. Discover now