Kabanata 7

13.3K 274 8
                                    

NAGMURA ang mga lalaking sumugod sa pinagmumulan ng ingay. Mahigpit ang pagkakayakap ni Leo sa akin mula sa likuran habang itinatago ako sa anino nitong malaking kahoy.

"Leche. Akala ko pa naman yung babae na yun. Maghanap pa kayo." Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang malapit na sila sa pinagtataguan namin.

"Ano to?" Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ng mariin ang aking bibig nang pulutin ng isa sa kanila ang lamparang nalaglag sa aking kamay matapos akong hilahin ni Leo kanina.

"Mainit pa'to ah." Tumingin ito sa gawi namin at nagsimulang maglakad papalapit. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Leo sa akin habang ako naman ay pinipigil ang pagpiyok ng aking hininga dahil sa mga luhang hindi ko na napigilang tumulo. Tumayo sya sa harap ng puno at kinuha ang maliit na flashlight na nakasabit sa kanyang tagiliran. Handa na akong sumunggab sa kanya sa oras na makita nya kaming dalawa. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pagdamay ko sa buhay ni Leo. Ayokong pati siya ay mahihirapan at magdudusa sa pagligtas sa akin.

"Hoy! Anong ginagawa nyo dyan?!" Isang grupo ng mga lalaki ang dumating at inusisa sila. May dalang mga ilaw, dahilan upang maaninag silang lahat.

"Bakit? Sino ba kayo?" Naiinis na tanong nito pabalik sa kanila.

"Kami ang tagapangalaga ng gubat na ito. Ang sinumang tatapak dito nang walang pahintulot ay parurusahan nang naaayon sa batas. Kung hindi pa kayo aalis ay wala akong ibang mapagpipilian kundi ang hulihin kayo." Galit na binalingan ang nagsalita ng lider nila na kakalapit lang sa kanyang mga kasama.

"Tayo na." Utos nito at nauna nang maglakad papaalis.

"Sundan nyo sila at siguruhin na nakaalis na nga dito." Banggit ng sumaway sa mga ito na sa tingin ko'y pinuno rin nila na mga tagabantay.

"Masusunod po sir." Sinunod ng dalawang pinagsabihan nito ang iniutos at ilang minuto pa ay tumayo na si Rafael.

"Maraming salamat po sa inyo kapitan." Nakipagkamay sya dito at niyakap saglit. Ako naman ay nanginginig pa ring tumayo at humakbang papalapit sa kanila.

"Walang anuman yun hijo. Buti nga't mabilis kaming nakarating. Muntik na sana kayong mapahamak." Nag-aalalang saad nito.

"M..maraming salamat po."

"Ito ba ang tinutukoy mong pinaghahanap?" Sabay turo ng tingin sa akin kay Leo.

"Opo. Nanganganib ang kanyang buhay kaya kailangan syang protektahan." Nangilid sa mga mata ko ang maiinit na mga luha. Buti nalang at madilim sa parte ng kinatatayuan ko dahil hindi naliliwanagan ng mga flashlight nila.

"Huwag kayong mag-alala. Handa akong tumulong anumang oras." Ngumiti ito ng matamis at ginulo ang buhok ni Leo. "O sya. Aalis na kami. Tumawag ka lang hijo kung dumating ulit ang mga kriminal na iyon. Pababantayan ko ang bawat poste nitong gubat." Tumango si Leo at gumanti ng malapad na ngiti.

"Maraming salamat ulit kapitan."

Umalis na sila at kami ni Leo na lang muli ang naririto sa gubat. Tahimik syang nakaupo sa silya at ako naman at nakatagilid na nakahiga sa kama.

"Salamat Leo." Lumingon ito sa gawi ko at ngumiti.

"Mukhang galing sa puso ang pagpapasalamat mo ah." Humalakhak sya at biglang natahimik. "Sleep tight Barbara."

Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang balikan ang mga pangyayaring naganap. Siguro nga'y masyado na akong nakakadistorbo sa buhay ng ibang tao. Itinali ko si Rafael sa kapahamakan at ngayon naman ay si Leo. Napag-isip-isip ko nang aalis ako ng madaling araw. Mas mabuti pang matugis akong mag-isa keysa madamay pa ang buhay nila.

Tears Of The DevilWhere stories live. Discover now