Kabanata 9

12.8K 261 13
                                    

KUSANG tumaas ang aking dalawang kilay nang mabasa ang salitang hindi ko maintindihan kung bakit ito ang nakasulat. Tinapunan ko ng nagtatakang reaksyon ang pagnguso ni Leo. Suminghap sya at hinimas ang bibig na para bang ilang segundo nalang ay bubuga sya ng nagbabagang halakhak. Kitang-kita ang mala-demonyo nyang ngiti.

"What is the meaning of this?" Sabay lahad ko sa papel na hawak sa kanya.

"Get back to work everyone. Excluding you." Pagtutukoy nya sa kanyang sekretarya. Agad namang nagsialisan ang mga taong pumapalibot sa amin. "Bring her home. Give me my schedule for today." Kumunot ang aking noo nang hindi ko natanggap ang sagot mula sa kanya.

"Here sir." Tinanggap nito ang papel na tinanggal ng kanyang sekretarya mula sa bitbit na maliit na notebook. Tinignan nya lang ako at kumaway, bilang hudyat sa utos na pag-alis bago tumalikod.

"Shall we, miss Barbara?" Malugod na tanong ng sekretarya ni Leo habang pinagmamasdan ko ang mahinahong paglalakad nito papunta sa elevator.

"I'll kick you when you got home Leo!" Huminto ito sa paglalakad at humarap sa aking direksyon.

"I should stay here for tonight then." Humalakhak ito at tumalikod nang muli.

Nakabusangot akong pumasok sa kotse at kandong ang mababangong kumpol ng mga rosas. Nang maupo na rin sa driver's seat ang sekretarya ni Leo ay may biglang tumawag dito.

"Ano po yun sir? May kailangan kayo?" Inilapit ko ang aking mukha na hindi nagpapahalata upang marinig ang pinag-uusapan nila. Diretso pa akong nakatitig sa harap at umaaktong nag-iinat ng katawan. Mukhang namalayan naman nya ang ginawa ko kaya bahagya syang umiwas at dumikit sa nakasaradong pinto. "Yes sir. Masusunod." Pagtatapos nya sa tawag.

"Anong sabi nya?" Pa-inosente kong tanong.

"Ah wala po ma'am. Tungkol lang po sa utos ni sir Leo sa akin pagkatapos ko kayong ihatid sa mansyon." Tumango-tango ako na para bang naniwala sa sinabi nya kahit hindi.

"Ano'ng pangalan mo?"

"Ralph po ma'am." Binuhay nito ang makina at nagmaneho paalis sa hotel.

"Ganun ba. Sino yung lalaking nag walk out kanina na makakaharap sana ni Leo?" Pagsisimula ko sa aking imbestigasyon.

"Ahhh... yun po? Ano po. Uhhh kliyente po yun ni sir Leo." Hindi ko alam kung sino ang taong iyon. Kung sakaling sino man sya, sana madaling pakisamahan dahil bilang konklusyon ko sa naging reaksyon nito kanina, mukhang mahirap.

"Thank you." Bungad ko kay Ralph nang makababa na sa kotse.

"You're welcome ma'am." Tsaka pinaandar ulit ang sasakyan at humarurot na paalis.

"Where is Leo?" Halos matisod ako sa paglalakad nang may biglang nagsalita sa aking likod. Diretso lang sana ang pagtungo ko papuntang kwarto at hindi nililingon kung may tao ba sa paligid.

"Del Grande Hotel." Si Amanda ang nagsalita.Naka-ekis ang kanyang mga hita at matuwid ang pagkakasandal habang nakatukod sa gilid ng sofa. Halata pa sa pagmumukha nya ang inis na nararamdaman. Lalong-lalo na nang dumapo ang paningin nya sa bitbit kong mga bulaklak. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko sa kanya kanina.

"Okay. I can wait." Banggit nya at agad pinagdikit ang mga braso bago umirap. Napamura pa ako sa aking isipan dahil sa kaartehan nya. Winalang-bahala ko naman ito at nagpatuloy sa paghakbang patungo sa hagdanan.

"Wait!" Biglang sigaw nya nang makarating na ako sa huling baitang. Taas-kilay ko naman syang tinignan sa baba na ganun pa rin ang posisyon.

"What?" Wala sa kondisyon kong tanong.

Tears Of The DevilWhere stories live. Discover now