Kabanata 13

9.1K 205 10
                                    


TILA sinukluban ng mundo ang napakagwapo nyang mukha. Namutla itong bigla at hindi makapagsalita kasabay ng pagtalikod sa namimilog na mga matang nakatitig sa kanya.





"You okay?" Tanong ko kay Zach kahit alam kong napakahuwang ng pagkasabi ko nito.





"I..I'm okay Barbara." Sabay lahad ng makikintab nyang mga ngipin na nababahiran ng dugo. Inalalayan ko syang makatayo na agad din namang tinulungan ng mga lalaking rumesponde sa gulong naganap.





"No you're not."





Inihatid namin sya sa lobby at pinaupo sa mahabang sofa. Dumating si Leo at Barbara na ewan ko kung saan sila nanggaling. Kinuha ko ang first aid kit na dala-dala ng isang crew at sinimulan ang paggamot sa mga sugat na tinamo nito.





"What happened?" Gulat na tanong ni Leo nang makalapit sa amin.





"He had a fight with Rafael." Tipid kong sabi sabay dapo ng walang emosyong tingin sa kanila. Nakita ko ang pagkunot ng kilay ni Leo, kasunod ang pagpinta ng misteryosong ngiti sa kanyang mga labi. Humalakhak sya at hinimas ang ibabang parte ng bibig.





"He's really rude sometimes. That is why we can't go along with him. You shouldn't have gone near him Zach." Pangangaral nito kay Zach na tinitiis ang hapdi ng agua oksinadang ginamit ko para malinis ang maliliit na galos sa kanyang mukha. May parte pa nga na nagsisimula nang mamaga.





"Take it slowly babe. It hurts." Ngumuso sya nang makatingin sa akin at bumuga ng isang mahinang halakhak. "That guy did something to my girl. He deserve a big black mark on his eyes."





Naramdaman kong biglang uminit ang mukha ko sa mga sinabi ni Zach. Hindi dahil kinikilig ako kundi dahil sa kahihiyan. Marapat bang bigkasin nya ang mga katagang iyon gayong kabago-bago ko pa lang syang nakilala? Such a manwhore.





"I'm not your girl Zach."





"Yes you are Barbara." Kanya-kanya nang pakita ng iba't-ibang reaksyon ang nakikinig maging sina Leo at Amanda na tahimik lang na nakatayo sa gilid nito.





"I said, I. AM. NOT. YOUR. GIRL. Look what's happening to you right now. I guess we should take you to the hospital."





"I'm not yet crazy Barbara." Nagtitigan kaming dalawa ng ilang segundo na agad ko namang pinutol sabay tayo.





"Uwi na 'ko." Umalis ako at nagtungo papalabas ng lobby. Hindi ko pinansin ang pagtawag nya sa akin kahit lumabas na ang lalamunan nya sa kakasigaw.





"Manong pakihatid na lang po sa'kin pabalik sa mansyon."





"Barbara! Wait!" Rinig kong sigaw ni Leo mula sa likod.





"Hmm?"





"You sure you don't want to go back? I mean, the party's not over yet." Tila may halong pag-aalala sa tinig nito. "I'm sorry for what happened Barbara."





"It's okay Leo. It is not your fault." Ngumisi ako upang mahimasmasan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. "I just need to get some rest."





"Okay." Nagpakawala sya ng isang mahinang singhap at iniabot ang towel na hawak-hawak. "Wrap yourself. Kanina ka pa pinagpapantasyahan ni Zach ng tingin." Humalakhak sya at binuksan ang pintuan ng back seat ng sasakyan. "You take care. Tawagin mo lang sina manang kung may kailangan ka. Anytime."





Tears Of The DevilWhere stories live. Discover now