Kabanata 3

17K 297 13
                                    

DUMATING na ang oras ng tuluyang paglamon ng mundo sa liwanag ng pinakamalaking bituin sa galaksiyang solar. Nandito ako at nakaupo sa may pintuan ng kubo habang minamasdan ang tahimik na pagpatak ng ulan. Malapit na itong tumila ngunit hindi pa natatapos ang pagtunganga ni Rafael sa maliit bintana. May malalim itong iniisip base sa tindi na paninitig nya sa isang direksyon. Matagal na siguro akong nalusaw kung sa akin nakapako ang mga tingin na yan.

"Anong oras ka aalis bukas?" Pagsusubok kong baliin ang nakakabinging katahimikan na ilang oras nang lumipas. Lumingon sya sa gawi ko ngunit bumalik agad sa dati nitong posisyon.

"Madaling araw." Natatamad nyang sagot.

"Ahhhhh. May pang-hapunan kang dala?" Bahagya syang napapiksi sa naging tanong ko.

"Wala."

"Ahhhhh ganun ba. Eto nalang sigurong tira ko kanina.." Mabilis nyang kinuha sa mga kamay ko ang pagkain at itinapon sa bintana. Napanganga ako sa ginawa nya maging sa galit na nakapinta sa kanyang mukha.

"Hindi na yun pwedeng kainin. Kung ayaw mong magkasakit, magtiis ka." Mariin nyang banggit.

"Magkakasakit rin naman ako pag hindi ako kakain. Tsaka kanina pa ako giniginaw."

"Here." Sabay tapon ng tuwalya sa harap ko at talikod agad. Binalot ko ang aking sarili gamit nito at humiga sa mga karton na tinulugan ko kagabi. Dumaan ang ilang minuto at tuluyan na akong nakatulog.

"M..mommy. D..daddy." Nanginginig ako sa sobrang lamig at di matiis na sakit ng aking ulo at buong katawan na gumising sa akin sa hindi ko alam kung anong oras.

"Barbara." Mainit ang boses at mga kamay ni Rafael na humaplos sa aking noo. "Fuck this fever. Damn." Tinanggal nya ang tuwalyang nakabalot sa akin at hinawi ang tela ng sando sa likod. Naramdaman ko ang mas mainit na pagdampi ng kanyang mabatong dibdib sa aking likod at mga brasong kumakandong sa aking mga braso.

"I'm gonna bring you to my place when the sun rises... Shit. Stay awake Barbara... Please." Tumulo ang maliit na mga butil ng luha sa aking mga mata hanggang sa nakatulog ako sa init ng kanyang mga yakap.

"Ma'am Barbara." Naramdaman kong may tumatapik sa aking balikat habang nakahiga ako sa napakalambot na kama at nakatabing ng isang mainit na comforter. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata dahil masyadong masakit ang aking ulo at buong katawan. "Tugon po ni sir Rafael sa akin na pakainin kayo kaagad matapos naming maghanda ng inyong agahan. Halina't kumain na po kayo nito. Mainit pa po yung sabaw na kailangang-kailangan ng inyong katawan." Nakangiti siya at napakaamo ng mukha. Pinamulahan ako sa hiya kaya agad akong bumangon at tinanguan ang nakangisi parin nyang hitsura.

"Salamat po manang. Nasaan po sya?" Napaatras sya ng ilang sentimetro at nagtatakang tumitig sa akin.

"Ah eh mawalang-galang na po, akala ko kasi napakamarahas nyong kumilos ayon sa pagkakalarawan ni sir Rafael sa inyo." Itinaas ko ang aking isang kilay at inis na binalingan sya ng tingin.

"Naniwala ka naman sa kanya? Tsssss. Nasaan sya?" Mala-awtoridad kong sabi. Nakakainis nga naman talagang masyado syang mapanghusga. Marunong naman akong gumamit ng po at opo. Anong problema ng lalaking iyon sa pag-uugali ko?

"M..may inasikaso lang po."

"Good. Ayokong makita ang pagmumukha nya. Mas mabuti pang dito nalang ako keysa dun sa maruming bundok. Nakakadiri. Salamat manang. Maaari kanang umalis." Saad ko na nakasalikop ang dalawang kamay. Nabaling ang atensyon ko sa sariling karamdaman sa imahe ni Rafael. Hindi ko na matandaan pa ang lahat ng detalye sa pagdala nya sakin dito. Kung nahirapan man sya ay nararapat lang sa kanya. Hindi naman magiging ganito ang sitwasyon kung hindi nya ako dinala dun imbes na sa amin.

Tears Of The DevilWhere stories live. Discover now