Kabanata 4

18.2K 308 16
                                    

PADABOG akong umakyat sa hagdanan at kinalabog ang walang kinalaman na pintuan. Bago ko pa man ito mai-lock ay narinig ko ang napakalakas na halakhak ni Wane. Nagmartsa ako papunta sa kama at niyakap ang mga unan sabay ngudngod ng mukha dito. Buong lakas akong tumili hanggang sa hindi ko na makayanan pang huminga ng maayos. Ginulo ko ang aking buhok at sinuntok ang kutson.

"Pasalamat ka lalaki ka! Kung hindi eh di matagal na kitang kinalmot at sinampal! Leche ka! Bwisit! Kala mo kung sinong gwapo! Anong pinagmamalaki mo?! Itong mansyon mo?! Ha?! Meron din ako nito leche ka! Bwisit! Bwisiiiiiiiiiit!!!!!!!!!" Sigaw ko na taginting ang boses.

*dug*

"Sinong kausap mo? Ang unan o sarili mo?" Galit akong lumingon sa nagsalita na nakapameywang pang nakatayo sa medyo malayo sa kama.

"Sarili ko. Bakit? Gusto mong makipagkaibigan sa kanya?" Sarkastikong saad ko. Bahagya syang napatawa sa sinabi ko kaya ngayon ko lang napansin ang matitingkad nyang mga ngipin. Naramdaman kong lumamig ang aking balat matapos mapagmasdan ang napakagwapo nyang mukha. Napansin ko ring nagpalit sya ng damit na suot nya kanina. Sando na kulay abo at maong na gusot-gusot na naman ang kanyang isinuot.

"Gawin mo lahat ng trabaho ng isang asawa sa akin." Biglaang pagse-seryoso nya.

"At sino ka naman para pagsilbihan ko?" Natatawa kong sabi. "No way. Para saan pa ang magluto, maglaba, maglinis at iba pang gawaing-bahay kung may mga katulong naman? Para saan pa ang paghahanda kung may fast food chains at restaurants? Laundry shops? Delivery services? Tsss."

Inilagay nya sa kanyang mga bulsa ang kanyang dalawang mga kamay matapos lumapit sa akin. Yumuko sya at hinarap ako na nakapiko ang mga tuhod habang nakaupo sa kama.

"Your concept and mindset are really not good and pleasing to hear. Masyado kang dumedepende sa pera. Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng salapi Barbara. At hindi lahat ng trabaho ay kani-kanino mo lang maiaasa."

"That was my own personal opinion. I have my stand and you can't turn my head down." Rinig ko ang mahinang pagsinghap nya.

"Opinions are always opinions. Opinyon lang. Malayo sa katotohanan."

"Then why do you want me to do that crazy service for you? I'm not your wife!" Inikot ko ang aking katawan para maharap sya ng maayos.

"I only said that you'll serve me as a wife. Not to be my wife. Unless you like the idea. Well? Perhaps, I can manage." Ngumisi sya na mas lalong nagpalamig ng aking balat. Parang sumasakit ang aking tyan sa pagpipigil ng aking sarili. Gusto kong hablutin ang kanyang buhok dahil nakakagigil ang ewan ko ba kung sinasadya o hindi na pagpapa-cute nya.

"After that mission, what would be my price then?"

"You'll owe a wish from me. Anything." Diretsong pumasok sa isip ko ang ideya na pagkatapos kong magawa ang aking misyon ay makakauwi na ako sa amin. Marahan akong tumango at tumayo sabay lahad ng kamay.

"Deal."

"Good."

"Ma'am. Gising na po. Maghahanda pa po kayo ng agahan ni sir Rafael." Kinusot ko ang aking mga mata at hinarap si manang na wagas ang pakakatapik sa aking braso.

"Ang aga naman po. Kayo nalang manang. Inaantok pa po ako." Halos hindi maintindihan kong sabi habang mahigpit na niyayakap ang aking mga malambot na unan.

"Hindi po pwede. May pinag-usapan po kayo. Ang tugon ni sir---"

"Oo na. Tatayo na. Tahimik ka na okay?" Agad akong tumayo at kalahating nakapikit na naglakad papalabas ng pintuan patungo sa kusina. Ilang minuto pa akong nag-isip kung ano ang aking ihahanda.

Tears Of The DevilWo Geschichten leben. Entdecke jetzt