Kabanata 5

14.9K 297 21
                                    

HALOS paliparin nya ang sasakyan para lang hindi maabutan ng dalawang lalaking humahabol sa amin. Mahigpit akong napahawak sa seatbelt na tanging pinaghuhugutan ko ng lakas sa tindi ng takot.

"Sa'n tayo pupunta?!"

"Keep calm Barbara. Hindi nila tayo maaabutan."

"Anong keep calm?! Pa'no ako hihinahon?! Anong pakay nila? Ba't gusto nilang mamatay ako? May alam ka ba dito?! Ano Rafael? May alam ka ba?!"

"Wear this." Sabay abot nya ng isang makapal na bracelet sa akin. "Sa paa mo isuot. Make sure it's tightly hidden." Nag-abot ang aking mga kilay at kunot-noong tinignan sya na napakalalim ng iniisip.

"I said wear it!" Taranta kong ikinalabit sa aking paa ang bracelet at itinago sa loob ng aking pantalon. "Wala kang dapat ikatakot hangga't kasama mo ako Barbara. At kung ano man ang mangyari, babawiin at babawiin pa rin kita." Bigla syang nag brake nang may humarang na mga sasakyan sa aming harapan.

Nanginig ako sa sobrang takot lalong-lalo na nang dumating ang dalawang lalaking humahabol sa amin kanina. Nagsilabasan silang lahat sa kani-kanilang mga sasakyan bitbit ang iba't-ibang klase ng baril. Napakagaling ng kanilang tiyempo dahil dito nila kami pinalibutan sa gitna ng tulay.

"Kapag sinabi kong tumalon ka, tumalon ka." Binuksan ni Rafael ang pintuan ng kinauupuan ko at sabay kaming lumabas dito. Itinago nya ako sa kanyang likod at hinarap ang mga armadong lalaki.

"Fight me fist to fist. Wag kayong duwag." Mariin akong napahawak sa matigas nyang braso at umiiling na humihila sa kanya papalapit sa gilid ng tulay. Tumawa sila sa sinabi nya at inilagay sa kanilang bulsa ang baril na hawak. Unang lumapit ang lalaking nakakita sa akin kanina. Bago paman sya tuluyang makalapit ay sinipa na sya ni Rafael sa dibdib kaya tumilapon ito sa semento. Sumunod ay dalawa at matagumpay nya itong pinulbos ng suntok. Nanghihina na ang aking mga tuhod sa pag-aalalang hindi nya makakayang talunin silang lahat. Ganun nga ang nangyari. Sinuntok sya sa tiyan ng isang lalaki kaya napaluwa sya ng dugo. Buong lakas kong isinigaw ang pangalan nya at humingi ng tulong subalit wala ni isang sasakyan ang dumaan. Sinubukan nyang manlaban ngunit pinagtutulungan na sya nilang lahat.

Sumalampak sya sa semento na nakaharap sa akin. Tinapakan ng isang lalaki ang kanyang ulo at tinitigan ako na nakangisi. Napahawak ako sa aking bibig at tumulo ang mga luha habang pinagmamasdan ang dumudugong ulo ni Rafael. Humakbang na ang dalawang lalaki na nasa kanyang likod matapos ang pagkaway nya sa mga ito bilang hudyat ng paglapit sa akin.

"Walang hiya kayong lahat! Magbabayad kayo!" Umatras ako ng ilang sentimetro hanggang sa nakasandal na ang aking likod sa gilid ng tulay na hanggang beywang ang bakal na harang.

"Jump Barbara!" Buong lakas na sigaw ni Rafael na agad kong sinunod.

Malakas ang pagbagsak ko sa tubig. Nakita ko ang malawak na dagat at mga punong-kahoy na nakapalibot sa gilid ng estuwaryo. Tinignan ko sila na nakadungaw sa tulay na may itinapon na isang bagay. Nang mahulog ito malapit sa akin ay napasigaw ako at lumangoy sa bilis ng aking makakaya papalayo dito. Mula sa ilalim ay naramdaman ko ang malakas na pwersa ng pagsabog ng bomba na tumama sa aking likod. Dahan-dahan kong ipinikit ang talukap ng aking mga mata habang naaaninag ang dugong bumabalot sa aking paningin.

Nakita ko ang sarili ko na naglakad sa isang madilim na pasilyo. Nakahilera ang mga kandila na malapit nang maubos ang ilaw. Hindi ko naaaninag kung ano ang nasa unahan ngunit patuloy lang ang yapak ng aking mga paa. May nakita akong isang lalaki na nakatalikod. Puro sugat ang likod nito na namamaga na sa tindi ng mga markang dulot ng mga palo.

"Rafael?" Rinig ko ang mahinang pagbabalik-balik ng mga salitang namutawi sa aking bibig. Dahan-dahan ko syang dinungaw at hinarap. Nang tuluyan na akong nakatayo sa harap nya ay bigla nya akong hinawakan sa leeg. Mahigpit ang kanyang pagkakasakal kaya't nahihirapan ako sa paghinga.

Tears Of The DevilWhere stories live. Discover now