Chapter 44 - Confused

16.7K 175 9
                                    

CHAPTER 44 – Confused

GABRIEL’S POV

Pagkarating namin sa hospital, agad naming hinanap kung saan ang kwarto ni Alexis. Sabi ni tita may tumawag daw sa kanyang babae at sinabing nasa hospital nga daw si Alexis. At dahil sa sobrang pag-aalala, hindi na nagawang itanong ni tita yung dahilan. Basta tinanong nya lang kung saang hospital.

Paglabas namin ng elevator may isang lalaking naka-black suit ang sumalubong saamin.

 

"Kayo ho ba ang pamilya ni Alexis?"

 

"I'm his mom. Nasan ang anak ko?" Tita Alice

"Sumunod ho kayo sa'kin." Sabi nung lalaki.

Habang naglalakad kami napansin kong iba yung ayos ng floor na 'to. Parang hindi hospital. Para kaming nasa hotel. At hindi katulad sa ibang hospital na magakakalapit yung mga pinto. Bawat pinto may malaking gap sa isa't isa. Walang maraming nurse at visitor na palakad lakad. Tahimik ang buong floor. May maririnig ka lang na ingay pagdating sa isang nurse station na nasa mismong gitna ng floor na 'to. 10 rooms lang meron ang floor na 'to. 5 sa left wing at 5 sa right wing.

Pagdating namin sa pinakadulo..

"CHRISTOPHER ALEXIS RIVERA" basa ko dun sa nakalagay na pangalan sa gilid ng pinto.

Kumatok yung lalaki at binuksan nya yung pinto para saamin.

Nasa private room si Alexis. Parang isang buong bahay ang ayos ng kwarto. May small living room, dining at kitchen pagpasok. May isang malaking wall sa likod ng couch that serves as a divider. At sa likod ng divider ay kung nasan si Alexis..

Natutulog sya. May bandage yung right side ng forehead nya. Pati sa may ulo nya meron din. May pasa din sya sa pisngi.

Habang chinecheck ni tita alice si Alexis, tinignan ko yung katabi ko. Nakatingin sya kay Alexis at kitang kita sa mukha nya ang pag-aaalala. Kinuha ko yung kamay nya at hinawakan 'to kaya napatingin na din sya sa'kin.

"Gusto mo lumapit?" Nakatayo lang kasi kami sa mismong tapat nung divider. Masyado kaming malayo.

"W-wag na." Tapos binalik nya yung tingin nya kay Alexis.

Alam kong okay na kami at sinabi nya mahal nya ako pero hindi ko maiwasang hindi magselos. Ang hirap nung ikaw yung kasama pero iba naman yung nasa isip ng taong mahal mo.

Maya-maya pa biglang nagising yung babae.

Tinignan nya kaming lahat.

"I'm his mom." Sabi ni tita alice

 

"Ah! H-hello po. I'm the one who gave you a call." Sabi nito. She looks tense and nervous.

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon