Chapter 46 - Apology accepted

16.5K 172 5
                                    

A/N: UPDATE! Pero it doesn't mean na magiging active na ulit ako. I might be active again next month. Sobrang stressful lang talaga yung studies ko ngayon at kailangan ng focus kaya sana maintindihan nyo. Nagpost lang ako kasi may na-type ako and may time. Maikli lang pero sana magustuhan nya. 4 Chapters to go na lang  + Epilogue then tapos na 'tong MVP.  

Chapter 46 - Apology accepted

 

SOPHIA’S POV

Nang makalapit si Gab sa’min. Binago agad ni Janna yung usapan at nagkunwaring hindi nila nakita na paparating si Gabriel.

“Hi girls” bati ni Gab sa dalawa

“Ay! Papa Gab nandito ka pala.” Sabi ni Sheryl  habang fini-flip yung pages ng book nya.

“Hi Gab! Have a seat, join us.” Sabi naman ni Janna

Umupo sya sa tabi ko at may nilapag na isang strand ng red rose  sa harap ko habang nakangiti ng sobrang lapad.

“Oh para saan ‘to?” tanong ko sa kanya dahil sa pagkakatanda ko, wala namang occasion ngayon para bigyan nya ako ng bulaklak unless may nakalimutan ako? “May occasion ba?” Tanong ko ulit just to make sure.

“There’s no occasion neither something special today..” Sabi ni Gabriel na at parang biglang nabawasan na lang yung ngiti nya. “Pero gusto lang kitang bigyan ng bulaklak at gawing special ang araw na ‘to… at sa mga susunod na araw pa kahit walang occasion dahil mahal kita.”

“Gab---”

“WAAAAAAAAAAAAAAH! Hanep naman sa mga lines Gab! Panalo! Kaya bet na bet kita para dito sa kaibigan ko eh!” Sheryl

Napangiti lang si Gabriel sa sinabi ni Sheryl.

"I guess.. We should go?" Sabi ni Janna kay Sheryl

"BAKIT?! Kakarating lang ni Gabriel, aalis na agad tayo??" Sheryl

"Manhid ka din minsan no?" Halos pabulong na sabi ni Janna kay Sheryl

Bigla naman natawa si Gabriel. "Okay lang, dito na kayo. Aalis na din naman ako maya maya."

Napatingin ako sa kanya at alam kong alam nya na yung tatanungin ko.

"May exam kasi kami, maaga ako natapos kaya lumabas muna ako sandali." Paliwanag nya

"Kaya naman boto ako sayo talaga umpisa pa lang, gwapo na matalino pa. Sophia, choosy ka pa ba?" Sabi ni Sheryl

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon