Chapter 5- His Intentions

28.6K 600 25
                                    

*Ahem ahem* as promised, mag-a-update ako Saturday (dito). Yes! Natupad ko. Sa mga nagiintay, Eto na 2:11 am na dito, Chapter 5 is now out. I dunno kung mahaba siya o maikli, inaantok na kasi ako basta yan na ang update okay. Sana magustuhan niyo, enjoy reading readers! Don't forget to leave some comments, vote, like and be a fan. THANK YOU! ^_______^

Chapter 5

Alexis' POV

"Kung akala mo magiging okay ang lahat sa pag-alis mo. Pwes nagkamali ka dahil kahit kailan hindi na magiging okay ang lahat. Hinding hindi na kahit anong sakripisyo pa ang gawin mo. Wala ng magbabago."

Pagkasabi ko nun sa kanya tumalikod na ako pero bago ako tuluyang umalis sa bahay nila.

"Hintayin mo na lang na makuha ko din sa'yo ang lahat ng meron ka."

Pagkalabas ko ng gate agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito ng mabilis.

Sisiguraduhin ko ngayon, ako naman ang mananalo at siya naman ang mawawalan.

Dumiretso na ako sa university para maka-attend ng afternoon classes.

Habang naglalakad ako papunta sa building namin nahagip ng mata ko yung mga crazy fan girls ko at mukhang may binubully na naman sila.

Alexis' Angels ata pangalan ng grupo nila.

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit may ganyang grupo. Normal na student lang ako katulad ng iba dito sa University pero may mga taong kung itrato ako daig ko pa celebrity o model. Nakakainit ng ulo na din minsan kasi may time na pati ako napapatawag sa office dahil sa mga kalokohan nila. Lagi nilang binubully yung mga taong kinakausap o kumakausap sakin. Basta madikit lang sakin, aawayin, kakawawaiin at aapihin na nila.

Nagulat ako nung Makita ko kung sino yung hawak nung dalawang lalaki na kasa-kasama lagi nung 3 baliw na babae na yun.

Si Sophia.

"A-anong gagawin niyo?! Ha?! Bitawan niyo ako na ba!! Nasasakatan na ako!" narinig ko sabi ni Sophia habang nagpupumiglas dun sa dalawang lalaki

May bigla akong naiisip, minsan pala may mga silbi rin ang mga baliw na 'to.

Nakita kong binitbit nila si Sophia.

Agad ko silang sinundan.

Nung maabutan ko sila hinila ko yung dalawang lalaki at pinagsusuntok ko.

BOOOOG BOOOG BOOOOG

I know hindi sila lalaban sakin, takot lang nila dun sa mga baliw nilang amo.

Yung ibang students naman naghiyawan nung nakita nila ako.

"Si ALEXIS!! omg si Alexis nandito!!"

Eh ano kung nandito ako? Tsssssss. Kalo mo mga nanalo sa lotto kung makahiyaw. =__=

Nilapitan ko si Sophia and I grabbed her hand.

Mukhang wala pa sa wisyo ang babaeng 'to.

Bago kami umalis

"I'm warning the two of you! Don't you ever touch a single strand of her hair once more kasi sinasabi ko sa inyo hindi lang yan ang aabutin niyo sakin. Umalis na kayo!!" sabi ko dun sa dalawang lalaki

Nasindak naman yung dalawa at tumakbo papalayo.

Hinatak ko si Sophia papaalis dun kasi anytime dadagsain na naman ako ng students dun.

"H-hey! Ano ba! Hoy Alexis! Bitawan mo ko! San mo ba ako dadalin!!? Bitiw!" Sophia

Ang ingay niya grabe. I can't stand girls like her. Kala mo nakalunok ng megaphone.

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon