Chapter 29 - Happiness and Sadness

19.1K 200 22
                                    

Chapter 29 - Happiness and Sadness

Sophia's POV

Natapos yung buong klase ko ngayong araw na wala man lang paramdam si Gabriel. Hindi ko alam kung um-absent siya o hindi lang talaga siya nagpapakita sakin, hindi ko rin kasi alam kung anong section niya. Hindi naman kasi niya nabanggit. -____-

"Tumawag na ba?" Sheryl

"Hindi pa nga e." -_____-

"Tawagan mo ulit."

"Hindi naman sumasagot e. Kanina ko pa sinusubukan."

"Kaya nga tatawagan ulit di ba? Sige na, try mo lang malay mo sumagot na this time."

Kinuha ko yung cell phone ko sa bag. Sakto naman na biglang nagring.

+63919******* Calling.....

-______- sino naman 'to?

"Oh si Papa Gab na ba yan?" Tanong ni sheryl

Umiling ako.

"E sino yang tumatawag?"

I shrugged my shoulders "Hindi nakaregister yung number e."

"Decline mo. Mamaya kung sino lang yan na walang magawa sa buhay."

Pagkasabi ni sheryl pinindot ko yung decline button at tsaka ko ulit tinawagan si Gabriel pero wala talaga. Nakasampung try ako pero cannot be reached pa rin.

"Make kwento na lang girl. Ano ba talagang nangyari? Ang sweet niyo po kahapon, everything was perfect tapos ngayon LQ kayo? Sakit sa ulo ha." Sheryl

"Hindi ko alam dun.. Bigla na lang siyang hindi nagsalita habang pauwi kami. Nung tinanong ko siya sabi niya wala.. Mga lalaki talaga ang hirap intindihin. Pagtinanong mo, puro wala kahit meron tapos ngayon hindi magpapakita." Reklamo ko

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon