Chapter 45 - Parehas ko silang mahal at ayokong may masaktan na naman sa kanila

16.8K 165 15
                                    

Chapter 45 – Parehas ko silang mahal at ayokong may masaktan na naman sa kanila

SOPHIA'S POV

Ilang araw ang dumaan, nakalabas na si Alexis sa hospital at nakapasok sa school. Parang hindi nya ako kilala. Araw-araw pakiramdam ko first day of school kasi kung itrato nya ako parang never pa kami nagkita. Kahit ang tignan ako hindi nya nga magawa. Nalulungkot at nasasaktan ako sa tuwing dadaanan nya lang ako na parang wala syang pakialam sa’kin. Sinusubukan ko syang kausapin pero wala akong response na nakukuha galing sa kanya. Tahimik sya, nagsasalita lang sya kapag kinakausap sya nina Patrick o kaya pag may tumatawag sa phone nya. Naninibago nga ako kasi maya’t maya may kausap sya sa phone at  minsan lumalabas pa sya ng room para lang sagutin ‘to.

“Malungkot ka na naman. Hindi ka pa rin kinakausap?” tanong ni Gabriel sa’kin.

Pati sya balik school na. Dahil kakilala ng dad nya yung may ari ng university madali lang naayos yung mga kailangan nya at pinayagan syang mag-enroll kahit late na sya para sa second sem. Anyway, ilang subjects lang naman yung kailangan nyang kunin for this sem kasi yung iba nga natake-up nya na nung nag-aral sya sa ibang bansa at crinedit naman ng school ‘yon.

Ngumiti ako “Pagod lang ako Gab--”

“Huwag kang ngumiti kung hindi naman ‘yon ang nararamdaman mo, di ba sabi ko naman, hindi mo kailangan itago kung ano yung totoong nararamdaman mo?.. Ngumiti ka kung, masaya ka. Pero kung malungkot ka, sumimangot ka, umiyak ka. Wala namang nagbabawal eh.” Gabriel

“Gabriel, wag na lang nating pag-usapan.” Nilagpasan ko na sya at nauna ng maglakad pero nakakailang hakbang palang ako naramdaman ko na yung pagpigil nya sa’kin nang hawakan nya yung balikat ko. Nagpunta sya sa harapan ko.

“Gusto mo kausapin ko sya? Pakiusapan?” Gabriel

“Kausapin? Pakiusapan? Okay na ba kayo? Hindi pa di ba? At hangga’t…” Napatigil ako sa sasabihin ko.. Hindi ko dapat sabihin ‘to pero kailangan dahil bali- baligtarin man.. “hangga’t tayo, hindi kayo magiging maayos.”

 

“Sorry.” Gabriel

“Bakit ka nag-sosorry?” tanong ko.

“Dahil nahihirapan ka ngayon.” Gabriel


Aaminin ko, nahihirapan talaga ako. Kami pero hindi ko magampanan yung pagiging girlfriend ko sa kanya. Akala ko nung nalaman ko yung totoo at nagkaayos kami, okay na ang lahat pero hindi pala. Mas naging complicated ang lahat dahil mahal ko pa rin nga siya pero hindi na tulad na dati na sya lang yung nag-iisa sa puso ko kasi ngayon, masama man pakinggan pero dalawa yung laman nitong puso ko. Dalawa yung minamahal nito. Sya at si Alexis.

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon