Chapter 2-Thank God I found you.

36.2K 463 105
                                    

Dedicated kay PerfectSmile. ^__^ Siya kasi ang unang nagcomment at nakaappreciate ng gawa ko.. Thank you  sa'yo..

A/N: Sa ibang readers, Thank you din kasi binasa niyo yung gawa ko. Sa totoo lang short story lang talaga 'to. Pero dahil may nagsabing ituloy ko, ayan tinuloy ko na so hindi na siya short story.. Sana patuloy niyong basahin yung story ko. VOTE, LIKE AND LEAVE A COMMENT IF NAGUSTUHAN NIYO.. Share niyo na din sa mga friends niyo if you like.. Ayun SALAMAT ULIT!! ^______^ Here's the update. ENJOY!

Chapter 2

Everyone wants to love.. Everyone wants to be loved. And Everyone needs to be loved. Pero ang love kasi hindi yan hinahanap, kaya wag mong hanapin kasi kahit anong hanap mo hindi mo makikita yan kung hindi pa oras at kusa yang dumadating.. Parang butterfly lang, the more you chase for it the more it will elude. But if you sit quietly it will come to you gently and peacefully.

***

Nagkwento na ako kay Janna at Ira tungkol dun sa nangyari nung Valentines. Simula dun sa pagkakatapon sakin ng coke, sa may boutique, sa movie house, sa blue magic at hanggang dun sa may restaurant. Pati na rin yung pagwo-walk out ko. Kahit nakakakilig at masyado akong natutuwa sa mga sinabi niya, iba pa rin kasi kakakilala pa lang namin. Tapos ano yun may gusto na agad? Love at first sight? Masyadong old school naman.

Ira: So ano? Tinawagan ka na ba niya?

Sohpia: Tinawagan? Hindi ko naman binigay number ko eh.

Ira: Bakit hindi mo binigay??! sabay hamapas sa table.

Janna: Ira Kalma lang.. OA mo naman mag-react eh..

Sophia: Kasi hindi naman niya hiningi. At kahit hingin pa niya hindi ko rin ibibigay kasi kakakilala pa lang namin.

Ira: Eh pano kayo magkakakilala ng husto kung hindi mo binigay? Tsaka pano kayo ulit magkikita niyan? Hindi ka man lang nagpahatid sa inyo at nagwalk out ka pa.. Naman Sophia! Kakasimula pa lang ng lovelife mo,  tinapos mo na agad?

Janna: Wow teh! Affected much? Pero Sophia has a point girl, Marami ng masama nowadays.. Kahit sabihin mo pang gwapo o maganda pa yan hindi dapat nagtitiwala agad.

Tama! Sa panahon kasi ngayon, physical appearance ang   unang tinitignan ng karamihan bago ang attitude and behavior kaya maraming napapahamak, naloloko or worst namamatay pa dahil sa maling akala..tsk..

Ira: Whatever sa inyong dalawa.. Ganito na lang, ano nga ulit pangalan? Search natin sa fb para naman magka-love life ka na girl!

=_= Kulit.. Ayaw paawat talaga??

Sophia: Alam mo Ira, Kahit hindi pa namin alam ang number o address ng isa't isa. If we're really meant to meet again, then we'll meet again. At isa pa, ang love hindi yan hinahanap. Yaan mong ang love ang makahanap sa'yo.

Ira: Eh pano kung maligaw? Tapos hindi ka na nahanap girl?? Tatanda kang dalaga niyan..

Sophia: Kung yun yung nakaplano, wala na akong magagawa dun..

Ira: Ay nako Sophia.. Nakakapagtaka lang, maganda ka naman, may kaya sa buhay,  magaling sa acads, mabait.. Lahat na ata na sa'yo eh.. Pero bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend?

Sophia: Kasi hindi pa dumadating yung tamang lalaki???

O_O Nagulat ako sa sinagot ko pero hindi ko na lang pinahalata, kusa na lang siya lumabas sa bibig ko... Ang weird.. Yun kaya talaga ang reason ko? Haaay, ewan.. Hindi ko alam..

Ira:  Anong hindi pa? Dumating na kaya nung Valentines, pinakawalan mo lang..Tsk. Sayang talaga.. 

Janna: Hinayang na hinayang ka naman girl. Eto kasing si Sophia marunong maghinatay sa right man, eh ikaw lahat sa'yo right eh.

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon