Chapter 40 - Two steps

18.6K 192 17
                                    

Chapter 40 – Two steps

Walang permanente sa mundo. Kahit nakaplano ang isang bagay meron pa ring posibilidad na mangyari ang kabaligtaran ng mangyayari o kaya maiba ito dahil sa mga nakapaligid dito.

Parang si Kim Chui (Celine) at Xian Lim (Liam) sa teleserye nila.. Nung una, sila ang mortal enemy at daig pa nila ang aso’t pusa kung mag-away. Pero dahil sa mga taong nakapaligid at sa mga nangyari sa kanila, nagbago ang lahat. Naging magkaibigan sila at ngayon nagkakagusto na si Xiam kay kim though he’s still denying it. (A/N: Sorry naman sa example di ba. XD)

Lahat pwedeng magbago sa tama o maling oras man. Minsan ang pagbabagong yun kahit hindi mo man gustuhin kusa na lang nangyayari dahil iyon ang nakalaang mangyari.

---

Nalaman ko na ang nangyari.. na-hold up si Alexis. Napakaswerte nga naman oh. =____= Pero yun lang ang sinabi ni Carlos, gusto ko pa sana malaman pa ang nangyari pero hindi nya din daw alam ang buong pangyayari basta nahold up at binugbog lang si Alexis. Ayoko na rin naman magtanong pa ng in detailed kay Alexis dahil mas lalo akong nakokonsensya.

Pinupunasan ko ngayon ang natutulog na si Alexis. Buti na lang kasalanan ko to kaya medyo pinipigilan ko maasar. Ang tigas kasi ng ulo. Ayaw nya kasing magpadala sa hospital o kahit magpatingin man lang. Kaya ako na ang umasikaso. Nagfeeling nurse na ko.

Nilinis ko Yung mukha nya.. May pasa malapit sa left eye. Meron din sa bandang right cheek nya. May cut yung lower lip nya pero maliit lang at hindi kailangan ng stitches.

Ngayon ko lang napansin na mas matangos pa pala yung ilong nya sa malapitan. His lips glisten naturally.. Parang babae lang na nakalip gloss. He has an even comely look while sleeping kahit may mga sugat ito..

Pagkatapos kong malinis ang mukha nya. Nilagyan ko ng ointment yung mga sugat sa mukha nya and to finish it up nilagyan ko ng bandage to prevent infections.

Medyo binaba ko yung comforter nya para mapunasan naman yung mga braso nya. Firm ang mga ito at may muscles din kahit paano. Hindi lang siguro sya pala workout masyado. May mga bruises at maliliit na gasgas din sa braso nya. .Ginamot ko ang lahat ng yon at nang natapos na ko natigilan ako.

Uh oh. There's one more thing i need to do.. And.. I don't think I can do it.. >___<

Basa na sya ng pawis dahil he's running a fever too. Pero ayokong tanggalin ang shirt nya para bihisan sya.. Tulog na tulog kaya sya ohh.. Ayoko =___= kaso kapag hindi ko naman sya binihisan matutuyuan sya ng pawis at mas magkakasakit sya lalo.

"Ano bang gagawin ko?" I mumbled At tsaka ako tumayo.

Nakakfrustate na. (__ __") iniwan pa kasi ako ni Carlos at ng dad ni Alexis. May aayusin lang daw sila sandali at babalik din.

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon