Chapter 34 - First heartbreak

19.1K 182 20
                                    

A/N: Ehem.. Bago ang lahat, sorry at ang natagalan ang update. Final exam kasi so nagconcentrate muna ako sa pagrereview at ayun pasado naman ako.. ^_^ Oo nga pala guys, may new short story ako you might wanna check it. Seven days with her crush yung title. Click niyo na lang yung external link sa side kung gusto niyo basahin. Last, uunahan ko na kayo, obvious naman na malungkot ang  chapter na to dahil sa title kaya pagpasenyahan niyo na kung panget, hindi ako expert sa mga drama/ sad scenes. ^_^V So eto na yung update. Enjoy! 

Chapter 34 - First heartbreak

Sophia's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ko. Napangiti ako. Okay na. Maayos na kami ni Gabriel. Naipaliwanag niya na sakin lahat at malinaw na sakin na ako lang. Ako lang talaga ang mahal niya. Nadala lang ako marahil ng inis at selos kaya naisip ko na baka hindi niya ako mahal, na pinagpalit niya na ako. Pero kagabi, napatunayan ko na hinding hindi niya ako ipagpapalit sa iba. Na ako lang ang babae sa buhay niya. Ang mali ko lang, umalis agad ako at hindi man lang siya hinayaang makapagexplain.

Naisip kong tawagan si Gabriel. Aabutin ko na sana yung cellphone ko kaso bigla na lang...

"Baby!! Baby!!"

*CRASSSSSSSH*

Natabig ko tuloy yung mga nakapatong sa bed side table ko. Ang kalat na tuloy. Pero mamaya na yan. Agad akong nagbihis para malaman kung bakit sumisigaw si mommy.

"O mommy? Ano po yun? Bakit po kayo sumisigaw?" Tanong ko

"baby, take a look at this." Sabay tingin dun sa mga picture framena nakadisplay sa wall sa isang side ng living room namin

Paglapit ko

O______O

"Baby, ang cute niyo dyan. Perfect yung pagkacapture." Mommy

"M-mommy.. Kanino po galing yan?" Ang laki kasi nung picture. Kuha siya nung nanood ata kami ng movie kasama sina kuya dito sa bahay. Nakasandal ako sa kanya tapos yakap naman niya ako habang parehas kaming tulog.

"Regalo ko yan sayo bunso para sa birthday mo." Kuya Ethan

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon