Chapter 38 - Shocking news!! And a favor to do

19K 176 9
                                    

A/N: Update ulit! Ayan kahit busy sa school I managed to produce an update. Kung may mga typo errors, pasensya na hindi ko nacheck kasi sa phone lang ako nagtype.

Gusto ko rin mag thank you kay Ate Danabebs pati sa mga friends niya (sayang di ko po alam names niyo, special mention ko po sana kayo lahat. ^_^) super thank you po sa pagbabasa at pag appreciate nitong story na to.

Okay eto na yung update!! ALEXHIA's time to shine! Wala na munang SOPHRIEL MOMENTS. ALEXHIA MO.MENTS muna. Aminin niyo, kinikilig din naman kayo kay Alexis eh. XD

Chapter 38 - SHOCKING NEWS and a favor to do

"Hay! Nakakaimbyerna talaga yang si Alexis! Kung makaasta kala mo boyfriend. Ang landeee! Eh may fiancée na sya." Pagrereklamo ni Sheryl

Hanggang ngayon inis na inis pa din siya sa nangyari. Mag iisang linggo na yun pero affected pa din siya.

"Wag kang magpakastress dahil lang dun baby, sige baka pumanget ka." James

"Baby naman, papanget ako?" Saby pout pa ni Sheryl

Seriously?

Inakbayan naman siya ni James "Wag mo kasing istress sarili mo, si Sophia nga oh, okay lang sa kanya. Kaya smile na baby. I love you." Sabay kiss sa cheek ni Sherl

AS&@:$DFGH@&$/&KL! Sige maglambingan pa.

PDA much? =_=

Ang hirap pag ganito pero no choice ako kung hindi sumama sa love birds na to na dati dinaig pa ang mga dragon kung magbangayan. Alam kong panira ako sa moment nila pero they are the one who invited me to join them kaya go lang ako. Si Janna busy sa school works, mag-o-ojt na kasi siya next sem. Si Ira, laging busy at kasama yung boyfriend niya na ngayon ay nagaaral na din dito. Bihira lang sila sumama samin.

Inayos ko ang gamit ko at nagpaalam muna sa dalawa. Maglalakad lakad muna ako ng maiba ang atmosphere.

Sa paglalakad ko may nakasalubong akong grupo ng mga high school students. Mukhang galing sila sa auditorium.

"Hi Ate ganda!" HS1

Huh? Lumingon ako sa likod. Walang tao so ako pala yun.

"Ah. Hi?" Teka kilala ba nila ako? Nagkita na ba kami?

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon