Chapter 50 - Let's what????

16K 184 14
                                    

Dedicated kay @AbigailBaliwang. Sobra kasi akong natutuwa kapag nagp-pm ka sakin about your thoughts sa updates. So here, pambawi. :) 

Chapter 50 – Let’s what????



Gabriel's POV



Exactly right before the Christmas day Sophia got discharged from the hospital. Hanggang sa bahay nila kasama ako. Ako ang gumawa ng lahat para sa kanya katulad ng ginagawa ko sa hospital. Kapag may aabutin o kukunin sya, ako ang kukuha para sa kanya. Kapag may pupuntahan sya, sinasamahan ko sya. Kapag kakain sya, ako ang kukuha ng food para sa kanya. Lahat na ginagawa ko para hindi sya mahirapan.



"Gabriel magpahinga ka na naman, hindi pa kita nakikitang umupo simula ng dumating tayo."
Sabi sakin ni Mrs. Roxas


"Ok lang po ako."



Kanina pa kasi talaga ako nakatayo, palakad lakad. Nakasunod kasi ako kay Sophia all the time. Ngayon nasa restroom sya kaya naghihintay ako sa labas ng pinto. Baka kasi may kailanganin sya. Nakacrutches pa sya kasi hindi pa naman sya fully recovered.



"Kaya naman ni Sophia, kapag hindi naman nya kaya I'm sure magsasabi sya. You don't have to follow her all the time and do everything for her."




"Tita pasensya na po, ayoko lang po kasing mawala sya sakin kaya I'm keeping an eye on her, ayoko pong nawawala sya sa tabi ko.. Muntik na syang mawala sakin and I won't let it happen again kaya I'm doing everything for her para hindi sya mahirapan pa. Kung kinakailangan na ako ang maging kamay, paa, mata, tenga at bibig nya, gagawin ko po. I just love her so much."




Wala akong pakialam kung habang buhay ko syang sundan, kahit saan sya magpunta I’ll definitely follow and look after her.



She tapped my shoulders and smiled at me. "Alam ko namang mahal na mahal mo ang anak ko pero Gabriel kahit wala kang sinasabi alam kong nahihirapan ka din. Hindi ka naaalala ng anak ko at masakit yun sa part mo. Ginagawa mo ang lahat pero walang nangyayari. I don't want to say this pero I think you should stop for a while. Nasasaktan din kasi ako para sayo, binabalewala ka ng anak ko. And I'm really sorry." Mrs. Roxas



"Wala naman pong problema kung balewalain nya yung mga ginagawa ko, what's important is hinahayaan nya ako sa tabi nya."
Sa ngayon okay na ako sa ganito, yung nasa tabi nya ako at naalagaan ko sya.




"Gabriel isipin mo din yung sarili mo. Lalaki ka pero tao ka din, napapagod at nasasaktan. Siguro hindi mo lang pinapakita pero deep inside sobrang pagod at sakit na yung nararamdaman mo."


"All the hard works and pain will be all worth it naman po tita once maaalala nya na ako, Maghihintay po ako hanggang sa maalala nya po ako ulit.”




"Hanggang kailan mo kayang maghintay Gabriel? How sure are you na bukas, next week, next month o next year maaalala ka na nya?"




“I can wait as long as forever if it is her.”


My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon