3rd Chapter

132K 3.1K 133
                                    

**revised chapter**

***

“Buti nalang madali lang yung exam sa physics!” Buti talaga nag-aral ako.

“Oh sige na. Ikaw na nadalian. Lecheng torque at vectors yan!” sabay pasok ng filler sa bag niya after niyang tignan kung tama raw ba yung nasagot niya sa exam.

“Sobrang sumakit yung ulo ko. Ayoko talaga ng Physics!” sabi naman ni Alleine.

Nagkibit-balikat na lang ako. High school pa lang kami, ayaw na talaga nila sa Physics. Dala na rin siguro ng teacher namin sa Physics nung fourth year kami. Hindi kasi magaling magturo kaya wala kaming masyadong napala sa kanya. Pero kahit ganun, favorite ko pa rin ang Physics.

“Dahil nadalian ka, ilibre mo kami!” sabay hawak sa akin ni Alleine sa braso.

“Oo nga! Pasayahin mo naman ang nasirang araw namin!” umangkla rin sa akin si Francine.

  

Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Sabagay, minsan lang naman ako manlibre.

Pumunta muna kami sa McDo. Sundae lang ang inorder ko tapos sila ay Chicken Fillet. Kailangan raw kasi nila ng lakas para sa mga exams namin mamaya.

Dahil ice cream lang naman ang kinakain ko, agad ko rin yung naubos, samantalagang yung dalawa, nasa kalagitnaan pa lang ng pagkain. Kaya imbes na tumunganga ako rito, kinuha ko na lang yung notebook kong hindi ko na nagamit ngayong sem at nagsulat doon.

Teka, gawin ko kaya ‘tong diary? Matagal-tagal na rin nung huli akong nagsulat ng diary. Second year high school pa ata? Ah ewan, hindi ko na masyadong maalala. 

October 6

 

Hey, Andrew, sobrang miss na kita. Grabe, hindi ko pa rin matanggap na wala na tayo. Na iniwan mo na ako. Bakit ganun? Talaga bang wala na tayo? As in wala na? Ayaw ko talagang maniwala. Biglaan kasi lahat eh. Ganun lang ba talaga yun? Ganun na lang ba talaga kadali para sa’yo na iwan ako? 

Sana maayos pa natin ‘to. Sana, tayo pa rin hanggang sa huli. Pero hindi ko alam kung dapat pa ba akong umasa. Sabihin mo nga? Kailangan ko na bang magmove on? O may chance pa para magkabalikan tayo?

 

Tinigil ko rin kaagad yung pagsusulat dahil nararamdaman kong anytime ay tutulo na naman yung luha ko. Buti napigilan ko yung sarili ko bago pa ako mapansin ng dalawa.

Sinara ko kaagad yung bago kong diary at pinasok na sa bag ko. 

  

“Oy dalian niyo dyang kumain! May exam pa tayo sa Math!” sabi ko sa kanila. Twenty minutes na lang kasi ay time na para mag-finals kami sa Math.

“Wait lang! Tsaka madali lang naman yun for sure,” sabay subo ni Alleine sa natirang fillet.

“Oo nga. Mas may confidence ako dyan kaysa sa Physics,” dagdag naman ni Francine.

Sabagay, madali lang naman talaga yung Math. Hindi naman sa pagmamayabang pero kasama kaming tatlo sa top 10 sa Math subject namin nung high school. Tsaka line of 1 rin yung pre-final standing naming tatlo.

Nung natapos na silang kumain, naglakad na kami papunta sa Math Building. Pumunta agad kami sa designated rooms namin. Dahil magkakaiba kami ng section, naghiwa-hiwalay na kami. Pero departmental naman ang exam kaya pareho lang yung questions.

Pakabigay sa akin ng proctor ng exam, napangiti na lang ako. Buti na lang madali lang yung mga tanong! 

Good for one and a half hour yung exam pero natapos ko yun within 50 minutes. Over all, madali lang talaga. Medyo natagalan lang ako sa isang problem solving dahil differential ng isang complex term yung tanong. At dahil tapos na ako, pinasa ko na kaagad yung test paper ko. Ayaw ko rin kasing nagdodouble-check. Nakakatamad. Tsaka pag nagsasagot naman ako ng tanong, sinisigurado kong yun na yung final answer ko bago magprocceed sa next question kaya hindi ko na kailangang i-double check. 

Umupo muna ako dun sa lobby para hintayin si Francine at Alleine. Ayun namang dalawang yun, mas gugustuhin nilang tapusin yung time alotted para sa test bago magpasa kaya alam kong matagal pa sila. Pero limang minuto pa lang ata ang nakakalipas ay sobrang nabore na ako sa kakahintay dito.

Tumayo na lang ako at naglakad. Bigla ko namang naisipan na magpunta sa room 206. Ugh. Bakit ba kasi kabisado ko ang sched niya? Grabe. Napunta tuloy ako rito sa tapat ng room nina Andrew. Dahil nandito na rin ako, sinubukan ko na lang na sumilip doon sa room. Iniscan ko yung loob mula dito sa labas pero mukhang wala na siya. Sabi ko nga maaga rin siyang natapos. Malamang. Siya ang Best in Math namin nung high school. Paniguradong natapos rin siya kaagad sa exam.

Bumalik na lang ulit ako sa lobby at naupo doon sa isang bench. Kinuha ko yung bag ko at nilabas ko yung notebook na ginawa kong diary kanina. 

Andrew, pinuntahan kita sa room mo. Kaso pagdating ko doon, wala ka na. Magaling ka talaga sa Math, no? Natapos mo kaagad yung exam. O baka naman alam mong pupuntahan kita kaya tinapos mo kaagad yung exam?

Ayaw mo na ba talaga akong makita? Ayaw mo na ba talaga sa akin? Are you really running away from me? 

Getting Over You (Over, #1)Where stories live. Discover now