11th Chapter

97.9K 2.3K 90
                                    

**revised chapter**

***

“Bye! Ingat kayo ha?”

“Babye!”

“Ingat!”

Naghiwa-hiwalay na kami ng way after naming manuod ng sine. Pagkatalikod ko sa kanila, napabuntung-hininga na lang ako. Hindi rin kasi ako nakafocus sa panonood kanina dahil nagrereplay sa utak ko yung encounter namin ni Andrew. Kung anu-anong naiisip ko kanina.

Naghintay ako ng jeep papunta sa amin. Bigla namang nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko muna. Pagtingin ko, si Mama pala.

Lei, sunduin mo nga si Kyle. Hindi ako makaalis ng bahay at may niluluto ako.

Buti pala hindi pa ako nakakasakay ng jeep. Hindi pa kasi sembreak ng kapatid ko ngayon. Ang alam ko, next week pa kaya may pasok pa sila. Tumawid ako sa kabilang kanto dahil doon ang sakayan ng jeep papunta sa school niya.

Pagdating ko doon, saktong uwian na nila at nakita ko siya sa may playground sa labas ng school. Lumapit agad ako doon.

“Kyle!” Lumingon siya tapos biglang nanlaki yung mga mata niya.

“Ate?”

“Ay, obvious?”

“Bakit iba na kulay ng buhok mo? Akala ko kung sino!” sabay hagis niya sa akin ng bag niya. Saka ko lang narealize na kakapakulay ko nga lang pala kanina. Kaya siguro nashock siya nung nakita niya ako.

“Bagay ba?” tapos hinawakan ko yung buhok ko.

“Ayos lang. Siguro inaakit mo lalo si kuya Andrew no?”

Napahinto agad ako nung nabanggit niya si Andrew. Hindi pa nga pala alam ng pamilya ko na break na kami. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin at hindi ko rin alam kung kaya kong sabihin.

“Oy ate, tara na!”

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habnag tumatakbo naman si Kyle papunta doon sa kabilang side.

“Kyle, wag kang tuma—”

Halos tumigil yung paghinga ko sa sumunod kong nakita.

“KYLE!”

Kahit na nanlalambot na yung tuhod ko ay pinilit ko pa ring tumakbo papunta sa kanya. Yung mga nakakita ay lumapit rin.

“Kyle! Kyle!” Nung nakalapit na ako sa kanya, wala na siyang malay at umaagos yung dugo sa may ulo niya. Para akong mahihimatay sa nakikita ko.

He was hit by a car nung tumawid siya. Ni hindi man lang huminto yung kotse nung nabangga niya si Kyle at tuluy-tuloy pa ring humarurot.

Nagsimula na akong magpanic at naiyak na rin ako. Nagiging blangko na yung utak ko at yung duguang katawan lang ni Kyle ang nakikita ko.

“T-tumawag kayo ng a-ambulansya...please,” bulong ko.

Nagsimula namang magdial ng phones yung mga nakatingin habang yakap-yakap ko si Kyle. Tuluy-tuloy nang bumagsak yung luha ko dahil sa nangyari.

Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na yung sirena ng ambulansya. Agad-agad nilang kinuha si Kyle sa akin at pinasakay na rin nila ako sa loob. Kahit nanginginig yung buong katawan ko ay nagawa ko pa ring kunin yung phone sa bulsa ko. Dinial ko kaagad yung number ni Mama.

“Oh Lei? Bakit?”

Nagsimula na namang bumagsak yung luha ko. Parang nawalan na rin ako ng boses at lakas ng loob nung narinig ko sa kabilang linya si Mama. Paano ko sasabihin?

Tumingin ako sa staff na kasama namin sa loob at binigay ko sa kanya yung phone ko. Mukhang nakuha na niya yung nangyayari kaya tumango siya sa akin tapos pinat niya yung balikat ko at siya na ang kumausap kay Mama.

Nung nakarating na kami sa ospital ay agad-agad siyang tinakbo sa emergency room habang pinaupo nila ako doon sa mga upuan. Nagcollapse na yung binti ko at hindi na ako makapagsalita. Basta ang alam ko, delikado ang buhay ng kapatid ko dahil hindi ko siya pinigilan sa pagtakbo.

It’s all my fault.

Tinignan ko rin yung damit at mga kamay ko. Punung-puno ng dugo ni Kyle. Hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon at wala akong pakialam. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko. Kanina ang saya-saya ko pa pero ngayon, binawi bigla.

“Lei!” Napatingin agad ako sa tumawag sa akin at tumakbo siya sa direksyon ko. Bigla niya akong niyakap at lalo lang akong naiyak.

“M-mama.”

“It’s okay. It’s okay. Sshh.”

“K-kasalanan ko. Sana hindi...sana hindi ko siya hinayaang...tumawid. Mama...”

“Aksidente yung nangyari, anak. Wala kang kasalanan, ha? A-ayos ka lang ba? Wala bang nangyari sa’yo?”

Niyakap ko nang mahigpit si Mama at hindi ko na napigilan yung sarili ko sa pag-iyak nang malakas. Akala ko sisisihin din ako ni Mama sa nangyari kay Kyle. Nung medyo kumalma na ako ay nakatayo lang si Mama sa may harap ng ER habang tahimik na umiiyak.

Sobrang sumakit yung puso ko nung nakita ko yun.

Tumayo muna ako at umalis doon dahil hindi ko kayang tignan si Mama na ganun. Naglakad ako papunta doon sa parang garden sa ospital pero napatigil ako sa nakita ko.

Hindi ko alam kung naghahallucinate na ba ako o epekto lang ‘to ng nangyari kanina. Pero hindi ako pwedeng magkamali.

I saw Andrew.

***

Getting Over You (Over, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon