17th Chapter

93.5K 2.1K 169
                                    

**revised**

***

“Lei, huminahon ka nga.”

“Hayaan mo na siya, Francine.”

Hindi ko na lang pinansin sina Alleine at Francine. Pinagdikit ko ‘yung kamay ko at hinawakan dahil sobrang nanginginig ako. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng operasyon. Palakad-lakad lang ako sa harapan ng OR at nakaupo naman ‘yung parents ni Andrew pati na rin sina Alleine at Francine.

Sabi nung doctor, 60% lang daw ang chance ng operation. Pero more than half pa rin naman ‘yun...may chance pa rin. Gusto kong mag-isip ng positive pero kung anu-anong nagative thoughts ang pumapasok sa isip ko. Paano kung...paano kung...

Tama na, Lei. Hindi ko dapat iniisip ‘yun. Ang kailangan kong gawin ngayon ay magpakatatag...para kay Andrew. Para sa amin.

Nagpaalam muna ako sa kanila para magpahangin. Naso-suffocate kasi ako doon at hindi ako makahinga dahil sa sobrang kaba. Pumunta ako doon sa mini-chapel at walang katao-tao. Pumasok ako at umupo ako habang tinitignan ko ang Diyos na nakapako sa krus.

“Parang awa niyo na po...wag niyo munang kukunin sa akin si Andrew. Please? G-gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Tulungan niyo po siya...bigyan niyo po siya ng lakas...”

Hindi ko na kinayang pigilan ang mga luha ko. Sobrang kinakabahan ako at sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano bang pwede kong gawin para makatulong. Ayokong mawala ulit sa akin si Andrew. Ayokong tuluyan na siyang mawala.

Pati si Kyle. Naasaktan pa rin ako tuwing nakikita ko siya sa kwarto na nakatingin lang sa kawalan. Wala siyang nakikita at partly ay kasalanan ko ‘yun. Kung pwede lang na magpalit na lang kami ng pwesto, gagawin ko. Kung pwede lang na ako na lang ang mahirapan, kaysa sa kapatid ko, gagawin ko. Pero wala akong magawa. Siya ang nagdudusa dahil sa kapabayaan ko.

Nagdasal ako nang nagdasal para sa kanilang dalawa. Pero habang nagdadasal ako ay may tumabi sa akin. Pagtingin ko, si tita Irene, ‘yung mama ni Andrew. Pinunasan ko kaagad ‘yung pisngi ko.

“Alam mo, maswerte si Andrew sa’yo,” sabay ngiti niya sa akin at nanunubig na rin ‘yung mga mata niya. “Lagi kang nasa tabi niya...kahit na ganun ang kalagayan niya. Sinabi niya sa akin na nakipagbreak daw siya sa’yo kahit na hindi ko alam na may girlfriend pala siya. Sinabi niya rin sa akin ang dahilan niya. Pero masaya ako na hindi mo hinayaang itaboy ka niya…kasi alam mo, kailangan ka rin niya.” Tuluyan na ring umiyak si tita Irene kaya naiyak na rin ako. Yumakap ako sa kanya at sabay kaming nagdasal.

After that ay dumiretso muna ako sa room ni Kyle. Ilang oras pa daw kasi ang itatagal ng operasyon ni Andrew. Pagdating ko doon, nasa loob din si Mama at binibihisan niya si Kyle. Napatingin agad siya sa akin at ngumiti.

“Magpahinga ka muna, anak. Ako na ang bahala dito.”

“Pero Ma...s-si Andrew...”

“Kailangan mo ng lakas kapag natapos na ang operasyon niya. Umuwi ka muna at matulog. Magang-maga na ‘yang mga mata mo.”

“Ate?” tawag ni Kyle sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Bigla niyang hinawakan ‘yung mukha ko at tumigil siya sa may mata ko. “Basa ‘yung mata mo. Wag ka na kasing umiyak. Papangit ‘yung mata mo.”

Getting Over You (Over, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon