14th Chapter

102K 2.5K 172
                                    

**revised**

***

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Bakit naman kung kailan unti-unti nang nawawala ‘yung feelings ko sa kanya, at saka naman siya babalik?

Nandito kami ngayon sa parang garden ng ospital at nakaupo kami sa bench pero nasa magkabilang dulo kami. Walang nagsasalita sa amin at ramdam na ramdam ko ‘yung awkwardness.

Parang dati lang, gustung-gusto ko siyang habulin. Kahit na nagmumukha na akong tanga, gusto ko siyang bumalik sa akin.

“Lei...”

Pinigilan ko ‘yung luha ko. Grabe. Namiss kong tawagin niya ‘yung pangalan ko. Some people call me by the same name but there's only one person who can make it sound so special—and that’s Andrew.

Pero ayoko nang magpakatanga. Ayoko nang magmukhang tanga. Tama na siguro ‘yung mga luhang nasayang ko para sa kanya.

“Ano bang kailangan mo?” Hindi ko siya tinitignan dahil baka hindi ko kayanin.

“I’m sorry.” Lalo lang akong nahihirapang huminga dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko na lang ilabas lahat ng frustrations ko sa kanya.

“Sorry? Sorry for what Andrew? Sa pag-iwan sa akin? Sa pagtaboy sa akin? Bakit? Naguguilty ka? Ha?” tinignan ko siya at tuluy-tuloy nang tumulo ‘yung mga luha ko. “Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin, magsosorry ka? Ganun lang ‘yun?”

Tumahimik siya ng ilang minuto habang ako ay tuluy-tuloy pa ring umiiyak. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman sa kanya. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba ‘to.

“Alam kong nasaktan kita. Oo, kasalanan ko ‘yun. Pero sa maniwala ka man o hindi, ginawa ko ‘yun para sa atin. Para sa’yo.”

“Para sa akin? For Pete’s sake Andrew, stop this bullshit! Tama na! ‘Wag mo na akong lokohin please. Ayoko na...” Bigla siyang lumapit sa akin at hinatak niya ako.

Niyakap niya ako. Lalo lang akong naiyak sa ginawa niya. I missed his scent, his strong arms, this feeling of security.

“Andrew naman...’wag ganito please. Babalik na naman ako sa dati eh. Nagmomove-on na ako...”

“I missed you.”

“H-how could you say that...ni hindi mo na...nga ako m-mahal ‘di ba?”

Niloloko na naman ba niya ako? At ano? Magpapaloko na naman ako?

“I never stopped loving you, I just stopped showing it.”

That’s it. Nakuha na naman niya ang loob ko. Bwisit. Bwisit! Ang tanga-tanga mo, Lei. Ayan ka na naman sa feelings mo. Tapos kapag iniwan at sinaktan ka, iiyak ka na naman.

“Hindi pa ba sapat ‘yung ginawa mo sa akin dati? ‘Wag mo na akong lokohin please. Hindi ko na kakayanin, Andrew.”

“I’m sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko,” tapos naramdaman kong humigpit ‘yung yakap niya. “Sorry kasi naging duwag ako. Akala ko, tama ‘yung ginawa ko pero in the end, tinakbuhan ko lang pala ‘yung problema ko.”

Napabitaw naman agad ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan ko siya sa mga mata. I can see sadness from his eyes at ngayon ko lang napansin na ang payat na ng mukha niya pati ng katawan niya.

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Naalala mo pa ba ‘yung month bago tayo magbreak? ‘Di ba madalang lang tayo magkita nun?”

Agad ko naman ‘yung naalala at nagnod ako sa kanya.

“Pinatingin ako ng parents ko sa cardiologist dahil nagiging seryoso na ‘yung arrhythmia ko.”

Bigla naman akong kinabahan. Sa pagkakaalam ko, ang arrhythmia ay abnormal heart rhythms. Ngayon ko lang nalaman na may ganun siya—wait. Kaya ba hindi siya kumukuha ng PE classes na nakakapagod?

“They...they diagnosed me with Ventricular Tachycardia and I need an aggressive treatments and follow ups.”

Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay nanghina na ‘yung mga tuhod ko at tahimik lang na tumutulo ‘yung luha ko. Kahit gusto kong magsalita ay hindi ko magawa.

Bakit? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit ngayon lang?

“N-Natakot ako. Natakot ako na baka...baka kapag nalaman ko ‘yung kondisyon ko ay iwan mo na lang ako. Kaya ako na mismo ang lumayo. There’s a small chance na...na maayos ‘to through surgery pero...”

Agad-agad akong lumapit sa kanya at ako naman ang yumakap. Naramdaman ko rin na umiiyak na siya sa balikat ko.

“Akala ko matalino ka. Tanga ka rin pala minsan, Andrew. Sa tingin mo ba, iiwan kita nang ganun-ganun na lang? Ganun ba kababaw ang tingin mo sa feelings ko sa’yo? Kahit ano pang mangyari sa’yo, nandito lang ako. I’ll be here for you. Always.” Pagkasabi ko nun ay niyakap niya rin ako at tuluyan na siyang nagbreakdown.

Hearing him cry breaks my heart. Pero medyo gumaan ‘yung pakiramdam ko dahil alam ko na kung ano ang rason niya. Alam ko na mahal niya pa rin ako...and that’s enough reason to welcome him again in my heart.

Getting Over You (Over, #1)Where stories live. Discover now