8th Chapter

107K 2.5K 145
                                    

**revised chapter**

***

“Al! Eto pa, tapon mo na rin ‘to.”

“Okay! Hagis mo rito.”

Nakatayo na lang ako dito sa sala habang hinahalughog ni Alleine at Francine yung mga gamit ko. Tinatapon rin nila lahat ng bigay sa akin ni Andrew. Maging yung mga letters at gifts niya sa akin.

“W-wait!  Wag niyong itapon si Leian!” tumakbo ako papunta kay Alleine at inagaw ko yung bear na bigay sa akin ni Andrew nung 6th monthsary namin.

“Ano ka ba Lei? Paano ka makakapagmove on kung maaalala mo si Andrew dahil lang sa bear na yan?” sabay pamaywang ni Alleine sa harapan ko.

“Pero sayang naman ‘to kung itatapon lang!”

“Fine. Akin na yan. Itatago muna namin ‘to. Kapag tuluyan ka nang nakamove on sa kanya, saka namin ibabalik,” tapos inagaw sa akin ni Francine si Leian.

“Pero—”

“No buts, Lei.” Umalis si Francine sa kwarto at pumunta siya doon sa kabilang kwarto. Napabuntung-hininga na lang ako. Grabe. Masyado silang seryoso sa pagmomove on ko. Eh hindi ko nga alam kung magagawa ko talaga. Andrew is my first and true love. Mahirap bitawan at kalimutan ang taong yun.

How can I unlove someone who means so much to me? How can I forget the person I truly love?

“Francine, eto pa! Catch!” sabay bato ni Al doon sa iba pang letters ni Andrew kay Francine.

“Oi, oi! Dahan-dahan naman sa paghagis!”

Pinanood ko na lang sila habang inuubos nila lahat ng bagay sa bahay na nagpapaalala kay Andrew. Nakaupo lang ako dito sa sala dahil hindi ko kayang itapon ang mga yun. At hindi na rin nila ako pinagalaw dahil alam nilang makakasagabal lang ako sa kanila. Kinuha ko na lang ulit yung diary ko.

Andrew,

 

Kailangan na kitang kalimutan. Inaayos na nina Francine at Alleine yung mga bagay na binigay mo sa akin at yung mga nagpapaalala sa’yo. Itatago raw muna nila hanggang sa mawala na yung feelings ko para sa’yo. Mag-move on na raw ako. Kahit mahirap, gagawin ko. Kahit feeling ko ay hindi ko kaya, gagawin ko. Gusto ko na rin kasing bumalik sa dati. Yung Lei na malakas ang loob at hindi yung laging umiiyak. Mukhang ako na lang kasi ang nasasaktan sa ating dalawa. Haha. Ang duga mo talaga. Ikaw nakapagmove on na, samantalang ako, umiiyak pa rin sa’yo. Pero hayaan mo, simula ngayon, magmomove on na rin ako.

 

Bye Andrew.

Sinara ko ulit yung diary ko. Akala ko maiiyak na naman ako. Pero mukhang naubos na yung luha ko sa kakaiyak nitong mga nakaraang araw.

“Wow, improving ka na Lei! Hindi ka ata umiyak habang nagsusulat dyan sa diary mo,” sabi ni Alleine.

“Paano niyo nalaman na diary ‘to?” Hindi ko naman sinabi sa kanila ah? Don’t tell me, binasa nila?!

“Duh? Ang obvious kaya! Anong akala mo sa amin, tanga?” sabi naman sa akin ni Francine, sabay irap pa niya. Ayan na naman siya sa pagsusungit niya!

Habang nag-aayos sila, nagluto na lang ako ng lunch namin. Tutal wala naman raw akong matutulong sa kanila, mas mabuting magluto na lang raw ako. Nagprito na lang ako ng tilapia at nagsaing ng kanin. Mas mabuti na rin na ganitong may ginagawa ako para hindi ko masyadong naaalala si Andrew.

After that, sabay-sabay na rin kaming kumain. Simula na nga pala ng sembreak ngayong araw pero bukas pa kami uuwi sa mga bahay namin. Magpapahinga lang kami ng isang araw dahil sobrang natuyo talaga ang utak namin nung finals week. At isa pa, tuyot na rin yung mata ko sa sobrang kakaiyak. Ayoko namang mapansin nina Mama na masyado kong dinamdam yung pagbebreak namin ni Andrew. Oo, legal kami sa pamilya ko. Sa side lang ni Andrew hindi.

“Oh, kumakain tayo, bawal isipin yung Andrew na yun,” saway sa akin ni Alleine. Umiling na lang ako at ngumiti tapos pinagpatuloy ko na yung pagkain ko.

Pagkatapos nilang ilagay sa kabilang kwarto lahat ng magpapaalala raw sa akin kay Andrew, nagsimula na kaming magbalot ng mga gamit namin. Pero syempre, hindi namin dinala lahat dahil babalik pa naman kami dito para sa second year. Nakapagbayad na rin naman kami ng rent dito sa apartment ng three months para sa summer vacation para walang kumuha nito.

Dahil napagod raw sila sa pagliligpit kanina, kanya-kanyang higa sila sa kama. Ako naman, nagstay na lang sa may sala. Wala naman kasi akong ginawa kanina kundi panoorin sila.

Ngayong walang maingay, mas lalo ko lang naramdaman yung lungkot. Alam ko namang kasalanan ko rin kung bakit ako nagkakaganito eh. Oo mahal ko si Andrew at alam ko namang kahit papaano ay minahal niya rin ako. Naramdaman ko yun. Pero ang pagkakamali ko, ako yung MAS nagmahal. Kaya ako yung MAS nasaktan. Siguro nga ito na yung karma ko.

Talaga nga palang masama ang sobra.

Napailing na lang ako. Kung siya nga nakapagmove on, ako pa kaya? Tama sina Alleine at Francine. Hindi lang naman sa kanya umiikot ang buhay ko, at hindi lang naman siya ang lalaking makikilala ko. Kailangan ko nang isantabi lahat ng feelings ko sa kanya. Para rin naman sa akin ‘to, di ba? Para sumaya na ako.

Sana nga lang, makaya ko.

Sana lang, hindi ako sumuko.

***

Getting Over You (Over, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon