4th Chapter

121K 2.8K 223
                                    

**revised chapter**

***

Dumiretso na ako sa apartment. Nagkayayaan raw kasi yung mga classmates nina Alleine at Francine na kumain. Tsk. Pagkatapos ko silang hintayin!

Pagdating ko sa apartment, napahiga agad ako sa kama. Ang tahimik. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maging malungkot. Naalala ko bigla si Andrew. Naalala ko kung paano niya ako niligawan nung fourth year kami. Naalala ko kung gaano ako kasaya na sa iisang university lang kami mag-aaral. Naalala ko lahat ng masasayang pinagdaanan namin.

Pero unti-unti akong naiyak dahil naalala ko rin yung mga masasakit na nangyari. Kung paano siya nakipagbreak sa akin. Kung gaano ako sobrang nasaktan sa ginawa niya.

Ang sakit-sakit. Ayaw magsink-in sa utak ko na wala na talaga kami. Na wala na kami dahil sa ayaw ng nanay niya sa akin. Pero mas nasaktan ako nung sinabi niyang hindi niya ako kayang ipaglaban. Pero alam ko naman na mas pipiliin niya yung Mama niya. Kung ako ang nasa kalagayan niya, syempre uunahin ko rin yung parents ko. Pero masakit talaga eh. Ni hindi man lang siya nag-effort kahit kaunti. Masakit isipin na yung taong pinagsisigawan kong mahal ko, ay hindi ako kayang ipaglaban.

Kinuha ko yung phone ko sa bag at napadpag ako sa archive. Binasa ko isa-isa yung mga nakalagay doon at naiyak na lang ako. Lahat ng texts niya sa akin na pinahalagahan ko, binasa ko.

I love you! Wag mo akong ipagpapalit ha?

Ano ba yan. Matutulog na ako pero ikaw pa rin naiisip ko. Matulog ka na rin. Magkita na lang tayo sa panaginip. I love you.

 

Happy monthsary! I love you so much. Mahal na mahal na mahal kita, Lei.

 

Kailan ka magpapatahi ng wedding gown? Excited na akong pakasalan ka. I love you.

 

Wag kang mag-alala, ikaw lang maganda sa paningin ko. Basta ba ako lang gwapo sa’yo.

Nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko. Namimiss ko yung Andrew na ‘to. Yung Andrew na ipaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kung gaano ako kaimportante sa kanya. Kasi yung Andrew na nakikita ko nung mga nakaraang araw, ang cold na. Parang hindi na niya ako kilala. Parang wala na kaming pinagsamahan.

Iniscroll ko pa yung phone ko at napahawak na lang ako sa dibdib ko. Bakit ko ba sinave ang mga ‘to? Kahit sobrang nasasaktan na ako, binasa ko pa rin ang mga yun. 

Goodbye.

 

Hindi na nga kita mahal. Di mo ba naiintindihan yun?

 

Wag ka na magtext. Panggulo ka.

 

Tangna Lei. Alam mo ba yung break-up? Tigilan mo na ako!

 

Ano naman kung umiiyak ka? Wala akong pakialam.

 

Fuck, Lei! Tumigil ka na! Nakakairita ka na!

Di ko na kinaya kaya pinatay ko nalang ulit yung phone ko. Bobo! Bakit ko pa ba yun binasa kung alam ko namang masasaktan lang ako?!

Oo, ang pathetic ko. Oo, ang tanga ko. Kahit pinagtutulakan niya na ako palayo, pilit ko pa rin siyang hinahabol. Kahit ayaw na siya sa akin, sinasabi ko pa rin na mahal ko siya. Hindi naman kasi ganun kadaling makalimot. Hindi ganun kadaling magmove on. Masyado nang malalim ang feelings ko para sa kanya. Hindi naman yun parang switch na pwede kong i-on at i-off kapag gusto ko. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

Kinuha ko yung notebook ko dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob.

Nakakainis ka! Bakit ganun? Bakit ako lang yung nahihirapan? Bakit ako lang yung nasasaktan? Ganun lang ba kadali sa’yong magmove on? Ganun lang ba kadaling kalimutan ako? Pakshet ka talaga! Gustung-gusto kong magalit sa’yo pero hindi ko magawa! Gustung-gusto kong sigawan ka at awayin pero hindi ko naman kaya.

 

Pero sana, wala kang mahalin na iba. Sana ako pa rin. Please? Kasi pag nagmahal ka ng iba, baka hindi ko kayanin. Wala namang masama kung mamahalin pa rin kita ‘di ba? Mag-aaral na lang rin ako ng mabuti pero sana wag ka munang magmahal ng iba, please?

 

Sobrang sakit na Andrew. Ikaw ba? Nasasaktan ka rin ba ng ganito? 

Sinara ko yung notebook at umiyak na naman. Grabe. Hindi pa ba nauubos yung tubig ko sa katawan? Iyak na lang ako nang iyak. Nakakainis ka talaga, Andrew. 

Getting Over You (Over, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon