Special Chapter

88.6K 1.9K 240
                                    


Scarlett's POV

"Niall, honey." tawag ko sa anak ko na may kausap na babaeng kinulang sa tela at parang sinampal sa kapulahan ng bibig

Sumama ang tingin sakin ng babaeng iyon kaya tinaasan ko siya ng kilay. Humalik sa pisngi ko si Niall at niyakap ako.

"Mom, she's annoying." bulong nito sakin

"Shut up, Niall. Napakababaero mo kasi." nakairap na sabi ko

"Excuse me, babe. Girlfriend mo ba yan?" maarteng sabi ng babae at dinuro ako

Aba't walang manners ang babaeng ito ah.

"Don't call my son 'BABE' kung ayaw mong sungalngalin ko yang bunganga mo at wag mo akong iduro. Sumunod ka sakin, Niall." seryosong sabi ko

Nakita ko ang pamumutla ng babae at maging si Niall ay napalunok. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik sa table namin.

Nasa party kami ngayon dahil birthday ni Meghan at hinanap ko pa ang mga binata ko dahil naging maligalig nanaman. Mana sa tatay na babaero. Napailing ako nang makita si Adam na may kausap na babae.

"Pagsabihan mo mga anak mo, Jack. Naiinis na ako sa kanila. Wag ko lang malalaman na may nabuntis ang mga yan at baka ibaon ko sila sa lupa." inis na sabi ko

Hinapit naman ako sa bewang ni Jack at masuyong hinalikan sa pisngi.

"Relax, baby. Nasa tamang edad na ang mga anak natin." nakangiting sabi nito

"Goodness Jack! Bente anyos pa lang sila."

Hindi na ito nakasagot sa sinabi ko nang biglang napansin namin ang komosyon na nangyayari. Nakita ko ang kambal na nasa gitna at may kausap na lalaki. Sa tingin ko ay nagkakainitan sila.

Mabilis na tumayo kami ni Jack at nagtungo sa kanila.

"Bastard! How dare you touch my sister?!" galit na sabi ni Niall

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ng asawa ko kaya mabilis na hinawakan ko ang braso nito at marahang hinaplos.

"Calm down. Bata yan, Jack." paalala ko rito

Bumuntong-hininga ito at lumapit sa tatlo. Nilapitan ko naman si Meghan na parang maiiyak na. Yumakap ito sakin ng mahigpit. 16 years old na siya ngayon.

"What happened?" tanong ko rito

"K-Kasi mommy, h-hinawakan n-niya yung pisngi ko t-tapos hinalikan niya ako sa lips. Waaaaaah! F-First kiss ko!" umiiyak na sabi nito

Hinaplos ko ang buhok nito at nakita ko naman sila mommy na papalapit. Mabuti nalang para may mapagbilinan ako kay Meghan.

"Oh dear. Hush now. Masisira ang make up mo." malambing na sabi sa kanya ng aking ina

"Maiwan ko muna kayo, mommy. May gagawin lang ako."

Tumango ito sakin kaya tumalikod na ako at nilapitan ang apat na lalaking nagkakainitan. Nandun na rin ang magulang nito.

"Hinalikan niya ang anak ko, Mr. Elizalde! Ang nag-iisang anak kong babae ay hinalikan ng lapastangan na iyan!" gigil na sabi ni Jack

"Pasensya na sa ginawa ng anak ko, Mr. Miller." hinging paumanhin ng ama nito

"Sir, hindi ko lang po napigilan ang sarili ko---"

"Gusto mong ipakita ko sayo ang tunay na hindi mapigilan ang sarili?" seryosong tanong ni Jack

The Casanova Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon