Chapter 10

122K 2.8K 736
                                    


Scarlett's POV

"I-I-I'm p-pregnant.." nanginginig na sabi ko

Naisip kong umpisahan sa pinakamahirap na sabihin. Nag-unahan nanaman ang luha ko sa pagtulo. Hindi na ba sila nauubos?

Tinignan ko sila para makita ang reaction nila. Nakatitig sila sakin habang nanlalaki ang mata nila. Si Kuya nakapikit ng mariin.

"S-Si Leo ba ang ama?" mahinahong tanong ni mom

Mabilis akong umiling sa kanya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nila. Hindi ko alam kung galit sila sa akin.

"Is that Jack's child?" matigas na tanong ni Kuya

Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Napayakap ako kay Leo dahil sa gulat nang inihagis ni Kuya ang vase na malapit sa kanya.

"What have you done, Scarlett?! How did that happen? You f*ckin' tell me the truth." malamig na sabi ni Kuya

Kahit na nahihirapan ako sa pagkwento, kinwento ko ang lahat. Pero hindi ko pa naikwento na alam ni Jack na buntis ako. Nanggigigil sa galit si Kuya habang si dad kalmado lang pero alam kong nag-iisip yan.

"Hinayaan kita na maging Isabelle para maitago mo ang pagkatao mo at hindi para magpaloko sa lalaking iyon, Scarlett! Sinabi ko na sayo dati, diba?! Sinabi ko sayo na lolokohin ka lang niya!"

Hindi ako umimik sa sinabi ni Kuya dahil tama siya. Hindi pa rin umiimik sila mom at dad. Agad akong tumayo at yumakap kay mommy.

"Mommy, I'm sorry.. I'm really sorry..." humahagulgol na sabi ko

Nakatulala pa rin si mom kaya hinawakan ko siya sa mukha. Nagulat ako nang may tumulong luha sa mata niya at niyakap ako ng mahigpit.

"You're too young to experience this, anak."

Lumayo ako kay mommy at napatingin kay dad nang tumayo ito.

"You will tell him the truth and you will get married. Hindi ko hahayaang takbuhan niya ang responsabilidad niya. Ikakasal kayo sa lalong madaling panahon."

Nataranta ako sa sinabi ni dad kaya agad akong nagpunta sa harapan niya at hinawakan siya sa braso.

"No dad! No! D-Don't! A-Ayoko! I'm flying to States!" nagpapanic na sabi ko

"Hindi mo mababago ang desisyon ko. Ikakasal kayo sa ayaw at sa gusto mo!" maawtoridad na sabi niya

Napaluhod ako sa harap ni dad na ikinagulat nila. Kahit ako hindi ko naisip na gagawin ko ito sa harap ng magulang ko balang araw.

"Please dad.. Papatayin niya ang anak ko.. I told him that I'm pregnant with his child but he wants to abort the child. I-I'm begging you dad. Ipapalaglag niya ang anak ko. Hindi ako papayag dad! I won't marry him! Papatayin niya ang anak ko. Papatayin niya dad. Papatayin niya." histerikal na sabi ko

Nilapitan agad ako ni Leo at niyakap ng mahigpit.

"W-What? He want to abort the child?" gulat na tanong ni mom

"Mapapatay ko ang lalaking iyon!" galit na sabi ni Kuya

"Dad.... Please.... N-No..." pagmamakaawa ko

"Isabelle, calm down. Calm down." paulit-ulit na sabi ni Leo

"You will marry him and that's final!" matigas na sabi ni dad

Napatayo ako sa sinabi ni dad at nagmamakaawa siyang tinignan.

"Dad! Hahayaan niyo ba akong mapunta sa kanya?! He wanted to kill his own child! Nagmamakaawa ako dad... A-Ayoko.. Ayoko dad.."

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now