Chapter 29

108K 2K 148
                                    


Scarlett's POV

Nakauwi na si Kuya mula sa States kasama ang mag-ina niya kaya nagpunta agad ako sa opisina niya. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa company namin na hawak ko sa States. Buo na ang desisyon ko na bitawan iyon para mabawasan ang trabaho ko.

Hindi pa ako nakakatapat sa cubicle ng secretary ni Kuya rinig ko na ang mga boses nila. Mukhang nagtatalo nanaman sila.

"You're not allowed to travel due to your pregnancy!"

"Gusto ko ngang pumunta sa Japan! Gusto kong makita yung Mt. Fuji!"

"No!"

"Napaka-freak mo talaga!"

"Wife, stop being stubborn!"

"I'm not! Gusto ko lang makita yung Mt. Fuji!"

"Aish! Delikado nga Zea!"

"Sinisigawan mo ba ako?!"

"H-Hindi."

Kaya naman pala rinig sa labas ang boses nila dahil bukas ang pinto. At tama ba ang rinig ko? Buntis si Ate Zea?

"Good morning! Anong problema niyong dalawa? Rinig kayo sa labas." nakangiting bati ko

"Ito! Itong lalaking to! Ayaw akong payagan pumunta sa Japan! Pwede naman siyang sumama! Hindi lang talaga niya maiwan yang trabaho niya! Siya nalang sana ang pinakasalan mo! Hmp!" nanggagalaiting sabi nito

Napakamot si Kuya sa ulo niya habang ako natatawa. Hindi pa ba tapos ang isyu na yan?

"Listen Zea. We can't travel abroad because you are pregnant." seryosong sabi ni Kuya

"Pero gusto kong makita yung Mt. Fuji." naiiyak na sabi ni Ate Zea

Para namang nataranta si Kuya dahil nilapitan niya agad ang asawa niya at niyakap ito.

"Hush wife. Gagawa ako ng paraan. Uwi ka muna sa bahay. Rest, okay?"

Tumango naman si Ate Zea at binalingan ni Kuya ang bodyguard niya sa labas para samahan ng umuwi si Kuya. Nang makaalis sila, naupo na si Kuya sa swivel chair niya.

"How's your wedding? Naayos na ba?" tanong ni Kuya

"Yeah. I need to go to States tomorrow para ayusin ang papers namin ng mga kambal at para kunin ang ilang gamit namin."

He looked at me seriously like he knows what I want to say. Damn. My brother is creepy.

"You're here to tell me that Rina will be in charge in our company, am I right?"

Tumango tango ako kay Kuya. Iyon naman talaga ang balak ko pero hindi ko pa nakausap si Rina.

"You still need to manage the widening project in Europe. Kayo ni Jack ang in-charge doon at nag-uumpisa na yon. Malaking branch ang itatayo doon kaya kailangan kayo dun."

I looked at my brother. I smirked when I realized something.

"Umamin ka, Kuya. Balak mo talagang mag-stay kami sa Europe ni Jack mula sa umpisa pa lang, tama? Para magkabalikan kami kaya binigay mo samin ang project na 'to."

He smiled widely at me. So I'm right. Tsk. Tsk.

"Actually, it's dad and Tito Michael's plan." nakangising sabi niya

Napaismid ako sa sinabi ni Kuya. I knew it. Hindi talaga sila tatahimik lang sa tabi. Gagawa at gagawa sila ng paraan para magkabalikan kami ni Jack.

The Casanova Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon