Chapter 1

229K 3.6K 1.3K
                                    


Isabelle's POV

"Bessy, wala kang mapapala sa Casanova na yan." nakasimangot na sabi ni Chloe, bestfriend ko

Tinignan ko siya at inirapan. Napaka-bitter niya talaga kay Jack myloves. Lagi niya kasing sinasabi yan dahil inis na inis siya kay Jack. Nagpapaiyak daw kasi ng babae at ako naman daw tanga na nagkakagusto sa kanya.

"Ang hot niya kaya." mahinang sabi ko

"Hot mo mukha mo! Mabuti pa si Leo. Mabait! Hindi katulad niyang pinag-nanasaan mo!" sermon niya sakin

Napasimangot ako sa sinabi niya. Nilalait niya lagi si Jack ko. Oo, akin siya!

"Inaaway mo nanaman ang baby ko, Chloe." sabi naman ni Leo na kararating lang

Nakasanayan na talaga niya na tawagin akong baby. Wala namang malisya sakin iyon, eh.

"Sige! Kunsintihin mo yang baby mo! Hindi ko siya inaaway. Sinasabi ko lang sakanya ang dapat niyang makita dahil nag-bubulag bulagan siya! Ayoko lang makitang nalulungkot ang bestfriend ko pag may kasamang babae ang gagong yun!" inis na sabi niya

Ngumuso naman ako sa kanya dahil siguradong tuluy-tuloy na ang pagtatalak niyan. Pero na-touch ako sa sinabi niya dahil lagi akong tumatakbo sa kanya pag nalulungkot ako dahil kay Jack.

"Wag kang magpacute dahil hindi ka cute!"

Mas lalo akong napanguso sa sinabi niya. Ang mean talaga niya sakin.

"Enough, girls." Awat ni Leo

"Siya kasi eh!" sabay na sabi namin habang nakaturo sa isa't isa

Natawa naman si Leo kaya sinamaan namin siya ng tingin. Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko na. Tinawanan din namin siya ni Chloe dahil ang cute niyang tignan.

Natahimik kami nang magtilian ang mga tao sa cafeteria. Tinignan ko ang entrance. Tama nga ako, nandito siya.

'Jaaaack! Be mine'

'Make me wet Jack!'

'You're so hot Jack!'

Tss. Make me wet? Gusto ba niyang buhusan ko siya ng tubig para maging WET siya?!

Malandi! Akin lang si Jack! Pasimple ko silang sinamaan ng tingin ng hindi nila nakikita dahil sigurado akong aawayin nila ako. Binubully naman nila ako pero hindi pisikal dahil bawal iyon sa eskwelahan at pag nakarating iyon kay Kuya baka mamatay sila sa takot. May malaking share si Kuya dito sa school at kung tutuusin, siya ang major stockholder.

Papunta sila rito sa kinaroroonan namin. Myghad! Pupuntahan niya ako!

Nakangiti ako ng malapad pero napawi iyon nang lampasan niya kami nang hindi man lang ako tinitignan. Dumiretso siya sa table malapit samin kasama ang barkada niya. Siniil niya ng halik ang babae roon at nag-make out sila.

Napayuko ako dahil pakiramdam ko maiiyak na ako. Sino ba naman ako para maghangad ng atensyon sa kanya? Isa lang akong nerd. Assuming kasi ako.

"Yan na ang sinasabi ko eh. Halika nga rito."

Hinila ako ni bessy palapit sa kanya at niyakap. Sumubsob naman ako sa balikat niya.

"Isabelle, tigilan mo na si Jack. Masasaktan ka lang." rinig kong sabi ni Leo

"Mahal ko siya." mahinang sabi ko habang umiiling

"Punyetang pagmamahal yan." nanggigigil na sabi ni Chloe

Ganyan talaga yan pag sinasabi kong mahal ko si Jack. Pero hindi naman niya ako sinasaktan. Love niya kasi ako eh.

--------------

Kasabay ko ngayon na naglalakad si Leo dahil ihahatid niya ako sa condo ko. Malapit lang kasi iyon dito sa school. Si Chloe sinundo na ng papa niya.

"Ayos ka na ba?"

Marahan akong tumango sa kanya kahit na nalulungkot ako sa nakita ko kanina. Ayoko kasing mag-alala pa si Leo sakin.

"Come on, Isabelle. I know you're not."

Halos mabatukan ko siya dahil sa sinabi niya. Alam pala niya nagtanong pa siya.

"Mag-ice cream tayo." Yaya niya sakin

Pumasok kami sa isang mini-stop at kumain ng ice cream. Habang kumakain kami, nakita ko ang isang kotse na nakaparada di kalayuan samin. Hindi gaanong tinted ang bintana kaya kita ang nasa loob.

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang mamukhaan ko kung sino ang nasa loob ng kotse. Jack having sex with a random girl.

"Are you listening, Isabelle?"

Napatingin ako kay Leo at nagtatakang tiningnan ko siya. Hindi siya nagsalita at tumingin sa direksyon na tinitignan ko kanina.

"I see. Let's go."

Tumayo siya at hinila na ako palabas ng mini-stop. Di ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng building kung saan ang condo ko.

"Get inside." utos niya sakin

Nagpaalam na ako sa kanya at nagpunta sa elevator. Pagdating ko sa loob ng condo ko, inalis ko ang wig ko, fake braces at salamin ko.

Disguise. Yeah. Hindi dahil may tinataguan ako, kundi dahil ayokong maulit ang nangyari noon na maraming nakikipagkaibigan sakin dahil sa kasikatan ko.

Kinakaibigan nila ako para madikit sila sa pangalan ko. Ayokong magkaroon ng plastic na kaibigan kaya ako nagdidisguise.

Alam ni Chloe kung sino talaga ako at ano ang tunay na itsura ko. She's my bestfriend since highschool.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kung hindi ako madidisguise, mapapansin siguro ako ni Jack. But I am better than her girls.

I am the best.

Pero ayokong magustuhan niya ako dahil maganda ako o sexy. Gusto ko mahalin niya ako kahit pangit ako.

I wanna see your peacock cock cock

your peacock cock

Ganda ng ringtone ko no? Hihihi.. Sinagot ko na ang tawag dahil si daddy ang tumatawag.

"Yes dad?" I said with an american accent

What? I am half-American.

"I miss your accent, sweetie." natatawang sabi ni dad

"I know right. Why did you call, anyway?" tumatawa ring sabi ko

"Oh. About that. You have a pictorial tomorrow, 3pm. My driver will pick you up."

Excitement rushed through me. Omy! I really love modelling, posing and such!

"Really?! That advertisement agency really loves me, huh." I said happily

"Who wouldn't love Scarlett Lewis?"

Natahimik ako sa sinabi ni dad. Who wouldn't love me? Jack. He will definitely love my body but not me.

"Still there?"

"Yes dad. Uhmm. I have to go."

"Okay. Take care and see you tomorrow. We'll have dinner at the mansion."

He ended the call. I sighed and lied on my bed. Naalala ko nanaman ang nakita ko kanina. Tanga ba ako? Tanga ba ako dahil umaasa ako na mapapansin ako ni Jack?

********************************

Pasensya na sa typos at grammars readers!

Keep reading!

-LadyCode

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now