Chapter 25

113K 2.1K 283
                                    


Scarlett's POV

Nakasakay na ako sa bus papuntang Tagaytay. Doon kasi ang photoshoot namin. The day after tomorrow is our flight pero hindi ko magawang umalis dahil may mga unfinish business pa ako rito. Si Edward naman bukas na ang flight niya but I think he'll stay here too.

Wala akong balita sa kanila ni Lauren dahil hindi namin iyon napag-usapan kagabi. The kids doesn't know anything about us.

Nagtaka pa ako nang makita ko siya sa bahay kaya kinausap ko siya at ang sabi niya gusto niya lang makasama ang mga bata sa huling pagkakataon. Hindi rin naman niya pwedeng sabihin na break na kami dahil masasaktan ang kambal.

Kanina pa ako napapabuntong-hininga dahil hindi sinasagot ni Jack ang tawag ko kagabi. I'm just worried that he might do something stupid. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nakita pa niya ang ganoong eksena. Kung ilalagay ko ang sarili ko sa kanya pakiramdam ko mamamatay ako sa sakit.

Imagine, anak mo pero iba ang kinikilalang ama. You can never underestimate a parent's feelings.

"Miss Red? Nandito na po tayo."

Nahinto ako pag-iisip dahil sa sinabi ng isa sa mga staffs. Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na sa bus. The place is beautiful. Siguro babalik ako rito kasama ang kambal.

"Heto po ang may keycards niyo sa hotel room niyo. You can rest for a while. Mamayang hapon ang photoshoot natin."

Hinila ko na ang maleta ko at nagtungo kami sa elevator. Mag-o-over night kami rito kaya may dala akong maleta.

"Una na kami sa room namin, Miss Red." paalam ni Ara, isa sa mga model

"Okay. Sleep well." nakangiting sabi ko

"You too." sabi rin ni Trisha

Umirap naman sakin si Hazel. Siya ang hindi ko makasundo sa kanila dahil talagang maldita siya at bitch. Hindi ko nalang ito pinansin dahil sumarado na ang elevator.

Ewan ko ba kung bakit nasa pinakataas ang hotel room ko. Lumabas ako ng elevator nang makarating na ako sa floor ng hotel room ko. Napatingin ako sa keycard ko at doon ko lang napansin na may nakasulat na, Presidential Suite.

Tsk. Ganoon ba talaga pag top model? Kailangan sa Presidential Suite?

Pumasok na ako sa hotel room ko at nilibot ang paningin ko. Napakaluwang at napakaganda. Nagtungo na ako sa kwarto at namangha ako dahil napakalaki ng kama. Glass lang din ang wall na humahati sa veranda at kwarto. Kita mula rito ang view ng taal lake.

Sinarado ko ang kurtina at nagtungo sa kama. Inaantok talaga ako. Mamaya ko na iisipin si Jack. Hindi ko alam kung pupunta siya rito dahil nauna kami. So, I will sleep muna.

-------

Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom kaya bumangon na ako at mabilis na naligo. Lunch na kaya gutom na ako. Bumaba ako nang matapos ako at nakita ko sila sa restaurant sa baba na kasama sa accomodation namin.

"Hey! Mabuti at gising ka na." bati ni Trish

"Nagutom kasi ako." sabi ko at naupo na sa isang bakanteng upuan

May bakanteng upuan pa sa tabi ko kaya meaning may isa pa kaming kasama na hindi pa dumating.

"How does it feel to become an international model?" excited na tanong ni Ara

"Fantastic. If you love your work you will feel happiness. Buti nga at wala masyadong nakakakilala sakin rito sa Pilipinas. Sa States kasi maraming paparazzi."

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now